MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) sa malakihang dagdag-singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO).
Nakatakdang magtapos ang orihinal na TRO sa darating na Biyernes, Pebrero 21, ngunit pinalawig pa ito ng animnapung araw o hanggang sa Abril 22.
Sakop na rin ng TRO ang mga power generation company na nag-supply ng kuryente sa Meralco at maging ang Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) na namamahala sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Pinagbabawalan ang mga power supplier at ang PEMC na singilin ang Meralco gaya ng pagbabawal sa Meralco na maningil ng mas mahal na generation charge sa mga consumer. (UNTV News)