Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

18 tauhan ng BOC, iniimbestigahan dahil sa katiwalian

$
0
0

FILE PHOTO: Mga sako-sakong bigas na nakakamada. 18 customs personnel ang iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Customs dahil umano’y pagkakasangkot sa illigal importation ng bigas. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang labing-walong tauhan nito dahil sa pagkakasangkot sa iligal na importasyon ng bigas.

Ayon kay Customs Deputy Commissioner Jessie Dellosa, 2013 nang isagawa ng mga empleyado ang pag-proseso sa rice shipment na walang kaukulang import permit.

Hindi naman muna pinangalanan ni Dellosa ang mga sangkot na empleyado habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang ahensiya.

Sinabi ni Dellosa na inaasahan niyang matatapos ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon.

“Still working, di sila guilty they are still innocent we are still conducting investigation.”

Samantala, tuloy pa rin ang parallel investigation ng BOC at NBI sa isyu ng rice smuggling na umano’y kinasasangkutan ni Davidson Bangayan, alyas David Tan.

Bukod sa rice smuggling, tututukan din ng intelligence branch ang imbestigasyon sa smuggling ng iba pang produkto.

Sa ngayon ay umaabot na sa 200 ang alert orders na inilabas ng Bureau of Customs. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481