MANILA, Philippines – Planong ipagdiwang ni Pangulong Benigno Aquino III ang ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25 sa mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad partikular sa Visayas Region na matinding hinagupit ng Super Typhoon Yolanda.
Matatandaang una nang inihayag ng palasyo na gaganapin na sa Malacañang Palace grounds ang selebrasyon ng Edsa People Power sa halip na sa EDSA.
Ngunit ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ibig ngayon ng pangulo na makasalamuha ang mga pamilyang naapektuhan ng nakaraang mga bagyo, lindol at Zamboanga siege.
“I fully agreed that I fully support the decision of the president to spend his Edsa celebration in the midst of the people afflicted to show that he is one, he is always one in the people,” pahayag ni Lacierda. (UNTV News)