Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Extended operating hours ng MRT, simula na sa Lunes

$
0
0

FILE PHOTO: MRT train from MRT Kamuning Station approaching Cubao Station. Simula sa Lunes, February 24, magsisimula sa alas 4:30 ng madaling araw ang operasyon ng MRT. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Simula sa Lunes, Pebrero 24 ay mas maaga nang mag-o-operate ang Metro Rail Transit (MRT).

Imbes na 5:30am, 4:30am na magsisimula ang biyahe ng mga tren ng MRT.

Ayon kay DOTC Spokesman Michael Arthur Sagcal, pagkatapos ng dalawang linggo ay susubukan naman nila na mag-operate hanggang alas-11pm sa halip na hanggang alas-10:30pm lamang.

“Test run lang siya, kasi pag-aaralan pa natin kung yung mga byahero ba ay papalitan nila yung schedule nila para umiwas sa traffic ay aalis na lamang sila ng maaga sa bahay o uuwi sila ng mas late sa gabi.”

Ayon pa kay Sagcal, kung maganda ang kalalabasan ng naturang eksperimento ay magsusumite ng rekomendasyon sa DOTC ang MRT upang gawin nang regular ang kanilang extended operating hours. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481