MANILA, Philippines — Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang petisyon ng mga abugado ni former President at incumbent Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo na makapagpiyansa sa kinakaharap nitong kaso ng plunder o pandarambong.
Batay sa desisyong inilabas ng Sandiganbayan First Division, hindi pinahintulutan ang motion for reconsideration at supplemental motion to bail ng dating pangulo dahil sa kawalan ng merito.
Ayon sa korte, hindi sapat na dahilan ang serious illness at severe depression upang payagan itong pansamantalang makalaya dahil halos lahat umano ng detainees ay dumaranas ng kaparehong kondisyon.
“Depression is common to all detainees, whether he or she be a former president or not. To treat accused [Gloria Arroyo] differently might be violative if the equal protection clause of the constitution. The supplemental motion must therefore be denied.”
Noong nakaraang taon, naghain rin ang kampo ni CGMA ng petisyon para sa pansamantalang kalayaan nito ngunit ibinasura rin ng Sandiganbayan.(UNTV News)