LAGUNA, Philippines – Humarap na kaninang umaga sa preliminary hearing sa Biñan Session Hall ang sampung pulis na pawang miyembro ng Provincial Intelligence-Biñan branch na umano’y sangkot sa “wheel of torture” sa mga detainees sa Laguna.
Humarap din sa pagdinig ang walong bilanggo na nagsampa ng reklamo sa sampung pulis.
Labing pitong kasong administratibo ang isinampa sa mga akusadong pulis kabilang ang serious illegal detention, robbery extortion, serious physical injuries, grave misconduct, at serious neglecting of duty.
Sa preliminary hearing, pagkakasunduan ang schedule ng proper hearing at pagsusumite ng mga ebidensiya ng magkabilang panig.
Itinakda naman sa Pebreo 28, Marso 7 at 11 ang susunod na pagdinig sa kaso. (Sherwin Culubong / Ruth Navales, UNTV News)