MANILA, Philippines — Pinagbigyan ng Makati Regional Trial Court Branch 150 ang petisyon ng kampo ni Janet Lim-Napoles na makapag-pamedical check up sa labas ng kanyang kulungan sa Fort Santo Domingo sa Laguna.
Sa desisyon ni Judge Elmo Alameda, maaaring gawin ang medical examination sa Camp Crame sa Quezon City at hindi sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City na unang hiniling ng kampo ni Napoles.
Pinagbatayan ni Judge Alameda ang testimonya ng mga doktor na dumalo sa pagdinig na kinabibilangan nina Doctor Michael Lim Villa ng St. Lukes Medical Center at Police Senior Inspector Michael Angelo Luna, ang nakatalagang doktor sa Fort Sto. Domingo at siya ring attending physician ni Napoles. (UNTV News)