MANILA, Philippines – Mahigpit nang ipatutupad simula ngayong Pebrero ang Import Permit System sa mga kargamentong ipinapasok sa bansa.
Ito ang sinabi ni Customs Commissioner John Philip Sevilla sa pagpapatuloy ng rice smuggling probe ng Senado, Lunes.
Ayon kay Sevilla, kung walang import permit ay kaagad na idideklarang ilegal at kukumpuskahin ang mga kargamento.
Ito ay upang hindi na umano maulit ang dating gawain ng BOC na pumapayag na hintayin ang permit to import documents kahit na dumating na sa bansa ang iniangkat na produkto. (UNTV News)