Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Italian motorcycle racer Valentino Rossi, nasa bansa upang tumulong sa Yolanda victims

$
0
0

FILE PHOTO: Italian motorcycle racer Valentino Rossi (REUTERS)

MANILA, Philippines — Dinumog ng mga motorbike race enthusiast ang pagdating ng Italian motorbike champion racer na si Valentino Rossi sa Sta. Rosa, Laguna.

Si Rossi ay 9-time World Grand Prix champion sa motorcycle race.

Ito ang unang pagkakataon na dumalaw si Rossi sa bansa upang personal na magpaabot ng tulong sa mga biktima at pamilyang nasalanta ng bagyong Yolanda.

Partikular sa proyekto ni Rossi ang isang charity race sa Sta. Rosa, Laguna na may titulong “Lend a Hand”.

“We will have some items to give to charity, something from the team and try to raise some money with this,” pahayag ni Rossi.

Ikinukonsidera naman ni Rossi ang mga Pilipino na isa sa kanyang Top 5 lists pagdating sa warm reception sa maraming bansa na kanyang napuntahan. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481