MANILA, Philippines — Sa ikalawang linggo ng eliminations sa UNTV Cup season-2 sa Ynares Sports Arena kahapon, nakuha ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang unang panalo nito mula sa opening game loss.
Tinapos ng AFP Cavaliers sa 9-point lead ang laro kontra DOJ Avengers, 93-84.
Naiatala nito ang pinakamalaking kalamangan na 20 points sa pagsasara ng third quarter sa score na 75 to 55.
Pinilit pang humabol ng re-enforced team na DOJ sa pamamagitan ng mga rookie player nito mula sa Bureau of Corrections (BuCor).
“Yung DOJ ha nagulat din kami dito kasi nakita naman natin yung rooster nila last year is not as ngayon na may height, may guard sila. may Reguera at Garrido,” pahayag ni Zuñiga.
Sa second game… nakuha ng Judiciary Magis ang solong leadership sa 2 wins – 0 loss record matapos talunin ang LGU Vanguards sa score na 94 to 78.
Nahirapan ang scoring machines ng LGU.
Nababad sa court sina San Juan Vice Mayor Francis Zamora at Santolan Pasig Brgy. Kagawad Kiko Adriano.
Ngunit nakatikim pa ito ng 10 point lead dahil sa back-to-back outside shooting ni Barotac Viejo, Iloilo Mayor Niel Tupas III.
Sinikap ni Vijandre na habulin ang score subalit namayani ang pagiging beterano sa hard court ng UNTV Cup season-1 champion.
Nag-iwan ng 23 points, 3 assists, and 2 blocks ang celebrity player na si John Hall upang maging bida ng laro.
At sa last game, pumutok ang mga bagong recruit ng Philhealth (Your Partner in Health) upang pataubin ang Team Philippine National Police sa score na 67-60.
Aminado ang PNP Responders na nabigla sa bagong composition ng Philhealth.
Nag-cramps ang mga hita ng point guard na si SPO1 Julis Criste at grumaduate ang big man na si PO2 Jaymann Misola.
Dahil sa three-point-shot ni Felmar Jaboli, naidikit pa ng PNP sa 61 to 60 ang score.
Samantala hindi na napigilan ang Philhealth at tuluyang dinala ang koponan ng mga re-enforcement player nito.
“Sinabi kasi ni Coach na relax lang dahan-dahanin naming. Yung bola dapat nasa ilalim kasi advantage naming si Poch eh, so nagawa naming,” pahayag ng Player of the Game na si Ramil Rey Tagupa. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)