MANILA, Philippines — Patuloy na nadaragdagan ang mga serbisyo at natutulungan ng UNTV Action Center na binubuo ng mga koponan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kalahok sa UNTV Cup season 2.
Nitong Linggo ay pinasimulan ng Philhealth ang mga bago nitong serbisyo sa kanilang public service booth sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ayon kay Dr. Israel Francis Pargas, OIC-Vice President, Corporate Affairs Group, maaari nang kumuha ng Philhealth ID ang mga miyembro nito sa alinmang venue kung saan ginaganap ang UNTV Cup.
“Ang maganda dito nakakapag-print tayo ng ID for does na wala pang ID pwede kayong pumunta dito,” saad nito.
Ayon pa kay Dr. Pargas, maaari na ding mag-update ng membership profile sa naturang booth.
“Nakakapag-validate at change na tayo kung may kailangan palitan.” (UNTV News)