MANILA, Philippines — Bababa ang presyo ng NFA rice sa susunod na buwan.
Ayon sa National Food Authority, tinatayang dalawang piso (P2.00) hanggang P4.00 ang ibabawas sa halaga ng bigas sa kalagitnaan ng Marso at mananatili ito hanggang Mayo.
Sa pagtaya ng ahensya, muling tataas ang halaga ng NFA rice pagsapit ng “lean months” o tag-ulan.
Tiniyak naman ng NFA na nagsisimula na silang mag-imbak ng lokal at imported na bigas upang maiwasan ang kakulangan sa suplay. (UNTV News)