MANILA, Philippines – Tinututukan ng Department of Energy (DOE) ang pagbabalik sa suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Mindanao .
Ayon kay Energy Secretary Jericho Petilla, nagkaroon ng problema ang Mindanao grid bandang alas-4 ng madaling araw kanina na naging sanhi ng massive blackout.
Ayon pa sa kalihim, prayoridad ng DOE na maibalik ang kuryente sa mga apektadong lugar hanggang mamayang gabi bago nito masusing imbestigahan ang dahilan ng pagpalya ng planta.
Sa ngayon ay pitumpung porsyento na ng mga lugar na naapektuhan ng blackout ang mayroon nang kuryente. (UNTV News)