MANILA, Philippines — Iprinoklama na rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang iba pang nanalong party-list groups nitong Martes.
Sa isinagawang en banc session kahapon, iniutos ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. na isama sa computation ang lahat ng discrepancies, zero votes at nalalabing certificates of canvass upang maging sakto ang bilang sa isasagawang proklamasyon.
Sa botong 1,265,992, nakakuha ng tatlong pwesto sa 16th congress ang Buhay partylist.
Una nang idineklara ng COMELEC noong Mayo 24 ang pagka-panalo ng Buhay partylist kasama ang 13 partylist groups na nakakuha ng tig-dadalawang pwesto at ang mga ito ay ang ss:
1. Buhay
2. A-Teacher
3. Bayan Muna
4. 1-Care
5. Akbayan
6. Abono
7. Ako Bicol
8. OFW Family
9. Gabriela
10. COOP-NATCCO
11. AGAP
12. CIBAC
13. Magdalo
14. An Waray
Nakakuha naman ng tig-iisang upuan sa kongreso ang mga sumusunod na partylist groups:
15. Abamin
16. ACT-Teachers
17. Butil
18. Amin
19. ACT-CIS
20. Kalinga
21. LPGMA
22. TUCP
23. YACAP
24. AGRI
25. ANGKLA
26. ABS
27. DIWA
28. Kabataan
29. Anakpawis
30. Alaybuhay
31. AAMBIS-OWWA
32. 1-Sagip
33. AVE
34. ATING-COOP
35. 1-BAP
36. Abakada
37. AMA
38. Ang Nars
Samantala, target naman ng COMELEC na iproklama sa mga susunod na araw ang 5 pang grupo na nakakuha ng pwesto. (UNTV News)