MANILA, Philippines – Napabilang ang Pilipinas sa 17 bansang blacklisted ng France bunsod ng umano’y kakulangan ng kooperasyon sa pag-iimbestiga ng mga anomalya sa foreign aid.
Bilang resulta, hindi na pinapayagan ng France na gamitin ang mga bangko sa Pilipinas at 16 pang bansa sa pamamahagi ng development funds.
Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa mga bansang blacklisted ng France ang Botswana, Brunei, Nauru, Guatemala, Switzerland, Lebanon, Panama, Costa Rica, United Arab Emirates (UAE), Dominica, Liberia, Trinidad and Tobago at Vanuatu.
Ikinagulat naman ng Malakanyang ang pagkakabilang ng Pilipinas sa blacklist.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nangangalap na ng impormasyon ang finance department kaugnay ng nangyari.(UNTV News)