Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Paglilipat ng NAIA sa Clark Pampanga, pinag-aaralan na ng DOTC

$
0
0
FILE PHOTO: Ninoy Aquino International Airport (RYAN MENDOZA / Photoville International)

FILE PHOTO: Ninoy Aquino International Airport (RYAN MENDOZA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang paglipat ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Clark, Pampanga.

Ito’y kasunod ng pangamba ng airline operators sa disgrasyang posibleng idulot ng mga nagbabagsakang kisame sa NAIA Terminal 1.

Ayon kay DOTC Secretary Jun Abaya, naiparating na niya kay Pangulong Benigno Aquino III ang isyu at sisimulan na ang pag-aayos sa nasabing terminal.

Bukod pa ito sa mga aayusing linya ng tubig at kuryente at rehabilitasyon sa bahagi ng NAIA Terminal 3.

Plano rin ng DOTC na ilipat ang terminal ng mga maliliit na eroplano sa Sangley Point sa Cavite habang sa Cagayan De Oro naman planong ilipat ang Philippine Air Force (PAF).

Bukod dito ay plano na ring gawing international airport ang walong paliparan sa ilang probinsya.

Wala pang itinakdang petsa kung kailan ito matatapos bagamat tiniyak ng DOTC na minamadali na ang naturang mga proyekto. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481