Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

P30-B infrastructure funds na umano’y nawawala, hindi nagamit ng buo — Singson

$
0
0

FILE PHOTO: Department of Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nilinaw ni DPWH Secretary Rogelio Singson na hindi naipalabas ng Malakanyang ng buo ang 30-bilyong pisong pondo para sa infrastructure projects na umano’y   nawawala sa ilalim ng 2010 budget na inabutan pa ng administrasyong Aquino.

Ang isyung ito ay bunsod ng House Resolution 592 na inihain ni Samar Representative Ben Evardone na pinaiimbestigahan ang umano’y nawawalang P30-billion infrastructure fund.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ipinaliwanag ni Singson na sa naturang P30-billion ay P10.5 billion lamang ang nai-release ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa kalihim, ang P19.4 billion na balanse ay hindi naipalabas ng DBM dahil sa kawalan ng tinatawag na revenue source.

“Pina-trace namin at yun na nga may P10.5 na na-released thru SARO out of P30.3 billion na tinatawag nilang congressional insertion.”

Sinabi ni Singson na napuna nila na mayroong mga lalawigan na nabigyan ng sobrang laking alokasyon kabilang dito ang Nueva Vizcaya na nabigyan ng P300 million na pondo para sa mga infrastructure projects.

Kabilang din ditto ang P332 million sa Batangas para sa Batangas Port, P500 million sa Quezon, P624 million sa Romblon, habang pinakamalaki ang sa Biliran na nagkakahalaga ng P1.7 billion.

Ayon pa kay Singson, ang lahat ng proyekto na napaglaanan ng P10.6 billion ay pawang congressional insertions noong nakaraang administrasyon.

“Meron kaming nakita na halimbawa may allocation na P10 million, yung approve budget for the contract na P10 million, yung disbursement P10 million din, so obviously hindi na-bid ng maayos yun para maging ganung eksakto lahat.”

Nais ring paimbestigahan ng ilang kongresista ang10 contractor na umano’y siyang may hawak sa mga infrastructure projects.

Sa susunod na pagdinig ay ipatatawag ng komite si dating DPWH Secretary Hermogenes Ebdane Jr. at Victor Domingo para sa complete accomplishment report ng mga nasabing pondo. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481