Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pulis na naaksidente sa motorsiklo sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang paglilipat ng UNTV News and Rescue Team sa spine board sa naaksidenteng pulis. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng motorsiklo at taxi sa United Nations Avenue corner San Marcelino Street sa Maynila, ala-1 ng madaling araw, Lunes.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng news and rescue ang driver ng motorsiklo na kinilalang si PO1 Jesy Javarez, 28 anyos na nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo.

Matapos bigyan ng first aid ay dinala na ng grupo sa Philippine General Hospital (PGH) si Javarez.

Naaksidente si Javarez matapos umanong mabangga ng isang taxi na minamaneho ni Cesar San Miguel na ngayo’y hawak na ng Manila Police District Traffic Bureau para sa kaukulang imbestigasyon.

Magkahiwalay na aksidente sa Bacolod City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

Nilapatan rin ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider na si Brian Taasan, 35 anyos, matapos mabangga ng pickup truck sa Bacolod City, pasado alas-11ng gabi noong Biyernes.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa tuhod at pang bahagi ng katawan.

Matapos malapatan ng paunang lunas ay agad itong dinala sa Bacolod Adventist Medical Center.

Ayon kay Taasan, binabagtas nito ang kahabaan ng Mansilingan Road at hindi na niya naiwasan ang lumilikong pickup truck.

Inamin rin ni Taasan na mabilis ang takbo ng kanyang motorsiklo kaya’t hindi rin niya masisi ang driver ng pickup truck.

Samantala, isa pang vehicular accident ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team maga-alas-2 ng madaling araw noong Sabado.

Sugatan ang pedicab driver na si Randy Belenario, 37 anyos matapos mabundol ng isang pickup truck sa kahabaan ng Lacson Street sa Bacolod City.

Agad na nilinis at nilapatan ng first aid ang tinamong sugat ng biktima.

Matapos malapatan ng paunang lunas ay agad dinala ang biktima sa Corazon Locsin Memorial Regional Hospital. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481