Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Lifestyle check sa mga senador, “non-issue”— Sen. Drilon

$
0
0

FILE PHOTO: Senate President Franklin Drilon (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senate President Franklin Drilon sa mga nagsusulong ng lifestyle check sa mga opisyal ng pamahalaan na huwag nang ilayo ang totoong isyu ng 10-billion peso pork barrel scam.

Binigyang diin ni Drilon na “non-issue” sa ngayon ang lifestyle check dahil bukas naman sa publiko ang kanilang statement of assets, liabilities and net worth o SALN.

Sa halip, ayon sa senador, dapat asikasuhin ang mga nakabinbing kaso laban sa mga akusado sa PDAF scam sa Office of the Ombudsman upang malaman kung sino ang maysala at mapanagot.

Una nang sinabi nina Senators Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr. na kung isusulong ang lifestyle check sa kanila ay gawin na rin ito sa iba pang senador. (Bianca Dava / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481