MANILA, Philippines – Maaari nang maghain ng reklamo sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang mga Pilipinong seafarer na may problema sa kanilang pinapasukang kumpanya kahit na naglalayag pa ang sinasakyang barko.
Ayon sa POEA, may ipinalabas na kautusan ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pagsasaayos ng maritime labor disputes.
Kung dati ay kailangan pang umuwi ng seafarer sa bansa para makapaghain ng reklamo, ngayon ay maaari na nila itong ipadala sa pamamagitan ng sulat na naka-address sa Blas F. Ople building corner EDSA and Ortigas Avenue, Mandaluyong City, Philippines 1501.
Maaari din itong ipadala via email: onboardconci@poea.gov.ph o kaya’y itawag sa telepono bilang 833-6992; 551-6641 at 551-1560.
Tiniyak naman ng POEA na bibigyan nila ng impartial advice ang mga maghahain ng reklamo at mananatiling confidential ang mga impormasyon habang ito ay iniimbestigahan.
“If they will report an incident for surveillance, that should be confidential in order not to break the news not to disseminate the news and prevent the investigation,” pahayag ni Atty. Jeriel Domingo, ang OIC ng POEA Adjudication Department. (Ley Ann Lugod & Ruth Navales, UNTV News)