Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Iregularidad sa proseso ng pagkuha ng firearms license sa mga lalawigan, pinaiimbestigahan

$
0
0

FILE IMAGE: Guns and bullets (Wikipedia)

MANILA, Philippines — Paiimbestigahan ng Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) ang mga satellite office nito sa mga lalawigan na nagre-renew ng lisensiya ng mga baril.

Ayon kay PNP Firearms and Explosives Office Chief Superintendent Louie Tiroy Oppus, may nakita silang iregularidad sa proseso ng renewal ng firearms license sa lalawigan na halos triple na mas mabilis kumpara sa FEO sa Camp Crame.

“Makikita mo sa report ko dito 800 cards a day kami ditto, nag-a-average lamang dito ng 300, yan ang ino -audit natin.”

Kaugnay nito, sinabi ni Oppus na pansamantalang centralized at kailangan munang magtungo sa Camp Crame sa Quezon City ang mga magre-renew ng kanilang lisensya habang hindi pa nag-ooperate ang Regional Firearms and Explosives Security Group Section o FESAGS.

“Ang FESAGS pwede silang mag-submit ng application, then they could look online kung magkano ang charges then they could pay it sa Landbank sa region ang send all documents here for processing para may counter checking.”

Humingi naman ng pang-unawa ang FEO sa mga naapektuhang gun holders dahil gusto nilang mas mapaganda ang serbisyo ng kanilang opisina. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481