MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malakanyang na nakalatag ang mga seguridad sa mga paliparan ng bansa.
Ito ang inihayag ng Palasyo matapos ang nangyaring insidente ng pagkawala ng isang Malaysian Airlines plane na hanggangang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bagama’t may security measures na ipinatutupad ang aviation industry at Bureau of Immigration, pagkakataon rin ito sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na tingnang muli ang mga procedure na ipinatutupad sa mga paliparan partikular na ang pagberipika sa mga pasaporte ng mga sumasakay dito. (UNTV News)