MANILA, Philippines — Dapat nang ilipat sa regular na kulungan si Globe Asiatique Founder Delfin Lee.
Ito ang ipinahayag ni Vice President Jejomar Binay kasunod ng pag-aresto at pagditene kay Lee sa NBI detention cell sa Pampanga noong Biyernes.
Pinuna rin nito ang aniya’y “special privileges” na tinatanggap ni Lee sa kabila ng pagiging isa sa mga top fugitive nito sa bansa.
Si VP Binay na siya ring kasalukuyang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council at chairman ng Home Development Mutual Fund o Pagibig Fund ang nag-utos ng paghahain ng kasong syndicated estafa laban kay Lee at sa iba pang mga empleyado ng Globe Asiatique noong 2010. (UNTV News)