Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DOJ, naniniwalang honest mistake lang ang pagkakatanggal kay Delfin Lee sa database ng PNP

$
0
0

FILE PHOTO: Si Globe Asiatique President Delfin Lee sa pagharap nito Senate hearing bago ito nagtago. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Leila De Lima na honest mistake lang ang pagkakatanggal ni Delfin Lee sa warrant of arrest database ng Philippine National Police (PNP).

Nanindigan din ang kalihim na hindi pa final and executory ang desisyon ng Court of Appeals na nagbabalewala sa warrant of arrest ni Lee dahil may inihain pang petition for certiorari  ang DOJ sa Korte Suprema ukol dito.

“Speculate intindi nila quash na warrant of arrest by virtue of CA maaring ganun, if ganoon sa amin mali yun erroneous interpretation pero pwedeng sabihin honest mistake yun walang rason napagdududahan na that is an honest mistake.”

Makikipag-ugnayan ang DOJ sa PNP upang alamin ang issue ng delisting.

Samantala, naghain naman ng extreme urgent motion for habeas corpus sa Court of Appeals ang abugado ni Lee.

Nanindigan ang abugado ni Lee na iligal ang pag-aresto sa kaniyang kliyente.

Iginiit nito na walang TRO na inilabas ang Korte Suprema para ipatigil ang implementasyon ng November 7,2013 injunction decision ng CA at wala ring TRO ang Supreme Court na nagre-recall o pumipigil sa paglift ng Court of Appeals sa arrest warrant ni Lee.

Itinakda ang pagdinig sa apela bukas, Martes. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481