Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Banggaan ng dalawang motorsiklo sa Laguna, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang paglapat ng bandage sa biktimang kinalang si Joel Villa Lobos na tumilapon sa sinasakyang motorsiklo nang mabangga ng isa pang motorsiklo. (UNTV News)

LAGUNA, Philippines — Nirespondehan ng UNTV Laguna News and Rescue Team ang sugatang driver ng isang motorsiklo sa Parian, Laguna, alas-4 ng hapon, Lunes.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang namagang tuhod ni Joel Villa Lobos matapos tumilapon sa sinasakyang motorsiklo nang mabangga ng isa pang motorsiklo.

Ayon kay Villa Lobos, binabagtas niya ang kahabaan ng national road ng Brgy Parian nang bigla umanong sumulpot sa kanyang harapan ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Mike Singgon.

At dahil mabilis ang kanyang takbo ay hindi na niya ito naiwasan.

“Hindi ko naman pwedeng biglaing itigil yung motor at ako naman ang magpapakamatay sisisid naman ako.

Dagdag pa nito, “Nakatago sila sa bus bigla silang lumabas, nakapagmenor ako pero huli na kase kung malakas ang takbo ko talsik kame pare parehas eh ako nga ang tumalsik hindi sila.”

Ayon naman kay Singgon, “Sige sige pa rin siya hindi siya nagpreno ayan inabot yung motor ko sa unahan bumaliktad kame ng asawa ko tapos nangangatwiran pa siya ang tama.”

Bagama’t nagkaroon ng pagtatalo, sa huli ay nagkasundo rin ang dalawang driver at napagpasyahang ipapagawa na lang ang motorsiklo ni Singgon.

Tumanggi namang magpadala pa sa ospital si Villa Lobos. (Sherwin Culubong / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes