Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Special Program for the Employment of Students ng DepED, sinimulan na

$
0
0

Mga kwalipikasyon sa Special Program for the Employment of Students ng DepED

MANILA, Philippines – Inumpisahan na nitong Lunes ng Department of Education (DepED) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Special program for the Employment of Students (SPES) para sa taong 2014.

Ang SPES ay taunang programa ng DepED na naglalayong magbigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga estudyante habang summer vacation.

Layunin din nito na maturuan ang mga estudyante na maging produktibo tuwing bakasyon.

Sakaling matanggap, tatagal ng tatlumpung araw ang trabaho ng mga magaaral sa ilalim ng SPES 2014.

“Magtatrabaho sila doon sa mga ahensya ng pamahalaan for 30 days, kasi hindi naman pwedeng hanggang pasukan, supposed to be gagamitin nila yung earnings nila doon sa pangtustos ng mga gastusin sa kanilang pagaaral,” pahayag ni DepED Assistant Secretary Jesus Mateo.

Sa mga nagnanais na makasali sa SPES narito ang mga sumusunod na kwalipikasyon para sa summer jobs. Una, kailangang estudyante o out of school youth na may edad na 18 hanggang 25 taong gulang.

Kinakailangang naka-enroll sa isang paaralan o kung hindi naman ay dapat na may intensyong makapag-enroll sa susunod na pasukan.

Hindi dapat na humigit sa P143,000 ang taunang kita ng mga magulang. Kinakailangan din na mayroong office-related o computer-related skills ang isang aplikante.

Kinakailangan din na maihanda ang mga sumusunod na dokumento para sa mga interesadong aplikante

Certified tru copy ng baptismal certificate o NSO copy ng birth certificate, income tax return o ITR ng mga  magulang. Kung walang ITR, kinakailangang humingi ng sertipikasyon mula sa BIR na magpapatunay na hindi hihigit sa P143,000 ang taunang kita ng mga magulang.

Maaari ding magpasa ng sertipikasyon mula sa baranggay na magpapatunay sa economic status ng pamilya ng aplikante.

Kung nasa kolehiyo naman, kinakailangan na makapagpasa ng  kopya ng grades noong nakaraang semester.

Para naman sa mga out of school youth, maaring ipakita ang kopya ng grades noong nag-aaral pa at certificate of indigence mula sa barangay.

Maaaring ipasa ang mga kinakailangang dokumento kasama na ang application form sa pamamagitan ng pag-e-email sa youthinformation@deped.gov.ph.

Tatagal ang pagpapasa ng aplikasyon hanggang sa Miyerkules, Marso 12, simula alas-9 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481