MANILA, Philippines – Nanindigan ang Philipiine National Police (PNP) na hindi pa tuluyang natatanggal ang pangalan ng negosyanteng si Delfin Lee sa listahan ng mga wanted persons taliwas sa sinasabi ng mga abugado nito.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Theodore Sindac, limitado lang kapangyarihan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ukol sa wanted list.
“The DILG role is limited in approving the names to be placed on said list and the corresponding reward as previously recommended by the RVC.”
Idinagdag pa nito na tanging sa level lamang ng CIDG naalis ang pangalan ni Lee at hindi pa ito naaprubahan ni PNP Chief Director General Alan Purisima.
Ani Sindac, “Walang approval yan kay chief that was only at their level at tsaka ung authority na ginamit nya ay within CIDG lang naman eh.”
Sinabi pa ni Sindac na posibleng gumawa ng iba’t ibang sulat ang mga abogado ni Lee na nagsasaad na inaalis na ng PNP sa listahan ng wanted person si Lee bilang bahagi ng kanilang legal strategy.
Idinagdag pa ng heneral na mas makabubuting ipaubaya na lamang sa korte ang desisyon hinggil sa kaso ni Lee. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)