KUALA LUMPUR, Malaysia — Patuloy pa rin ang paghahanap ng pinagsanib na pwersa mula sa iba’t-ibang bansa sa nawawalang Malaysia Air Boeing 777 jet Flight 370 na may lulang 239 na pasahero.
Ayon kay Malaysian Civil Aviation Head Azharuddin Abdul Rahman, mas pinalawak pa ngayon ang paggalugad ng mga awtoridad sa karagatan upang matukoy ang lugar kung saan bumagsak ang eroplano.
Una ng nilinaw ng opisyal na wala pang natatagpuang debris mula sa Boeing 777.
“The area of search has been expanded in the South China Sea, we have expanded to 100 kilometers radius of Igari.”
Nakita naman sa lab analysis ng Malaysian Maritime Enforcement Agency na hindi nanggaling sa nawawalang eroplano ang natagpuang oil slick sa eastern coast ng bansa.
“On the oil slick that was found by the maritime enforcement agency of Malaysia, they have sent the samples to the chemistry department today and we have got the report from the chemistry department of Malaysia, they have reported that, they have confirmed that the oil are not from an aircraft.”
Samantala, tinukoy na ng mga Thai official na isang Iranian ang bumili ng ticket para sa dalawang pasahero na gumamit ng nakaw na pasaporte.
Matatandaang sinabi ng mga awtoridad na ikinokonsidera pa rin nila ang anggulong na-hijack ang eroplano.
“And as the features of those two passengers, we have looked, have looked and re-looked at the footage of the video and the photograph, it is confirmed that they are not Asian looking men,” saad ni Rahman.
Umaasa naman ang mga kaanak ng mga pasahero na makakakuha na sila ng konkretong impormasyon sa lalong madaling panahon kaugnay ng kinahinatnan ng kanilang mga kaanak na lulan ng nawawalang eroplano. (Irish Ilao / Ruth Navales, UNTV News)