Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malaysian Air Force, pinabulaanan ang ulat na nagbago ng ruta ang nawawalang Boeing 777

$
0
0

Caption Dinh Van Qua operates on the cockpit of an aircraft AN-26 belonging to the Vietnam Air Force during a search and rescue mission off Vietnam’s Tho Chu island March 10, 2014. CREDIT: REUTERS/KHAM

KUALA LUMPUR, Malaysia – Tinutukan ngayon ng search team ng nawawalang Malaysia Airlines Boeing 777 ang west peninsular ng Malaysia sa Melaka Straits habang sinusuyod na rin ang mga land area maging ang bahagi ng karagatan ng Sumatra sa Indonesia.

Ito’y dahil sa ulat na nagbago umano ng ruta ang eroplano sa bahagi ng Pulau Perak, na pinabulaanan  naman ng hepe ng Royal Malaysian Air Force.

Ayon kay Malaysia’s Air Force chief, Rodzali Daud, wala umanong katotohanan ang ulat at hindi nanggaling sa kaniyang tanggapan ang impormasyon.

Samantala, inaalam na rin kung bakit tumigil din ang transponder ng eroplano matapos ang huling contact sa karagatang malapit sa Vietnam.

Ang transponder ay isang electrical instrument sa cockpit ng eroplano na tuloy-tuloy ang pagpapadala ng impormasyon katulad ng altitude ng eroplano, lokasyon, direksyon at bilis ng lipad nito.

Sa ngayon ay unti-unti nang dumadating sa Kuala Lumpur ang mga pamilya ng mga pasahero ng nawawalang eroplano batay na rin sa napagkasunduan nila at ng Malaysian Airlines.

Ngunit nilinaw ng tagapagsalita ng airline company na Ignatius Ong Ming Choy na hindi kompensyasyon ang ibinibigay nila sa mga pamilya.

“This is not a compensation. Let me repeat, this is not a compensation. This is a financial aid assistance. There was no specific conditions attached to it. We are saying this is for them to use during this term.”

Ang pagkawala ng Malaysia Airlines flight MH370 ay inihahalintulad sa nangyari sa isang Air France flight AF447 noong 2009.

Naglaho rin ito na parang bula na may sakay na 228 na mga pasahero.

Matapos ang halos dalawang taon ay natagpuan ang piraso ng pakpak ng eroplano ng mga Brazilian navy sa Atlantic Ocean.

Kaugnay nito ay nanawagan naman sa publiko ang Malaysian authority na maging maingat sa mga inilalabas na balita tungkol sa paghahanap sa nawawalang eroplano.

Ayon sa kanila, di lang ito nakakaapekto sa mga kaanak ng mga pasahero ng eroplano kundi maging sa isinasagawa nilang search and rescue operations. (Irish Ilao / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481