Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Publiko, pinayuhan na magtipid sa tubig ngayong tag-init

$
0
0
Upang mapanatili ang lakas at patuloy ng pagdaloy ng tubig sa mga sambahayan sa buong panahon ng tag-init, ngayon pa lang pinapayuhan na ang publiko na magtipid ng tubig sa lahat ng paraan na kanilang magagawa sakaling ma-delay ang pagpasok ng tag-ulan. FILE PHOTO.(PHOTOVILLE International)

Upang mapanatili ang lakas at patuloy ng pagdaloy ng tubig sa mga sambahayan sa buong panahon ng tag-init, ngayon pa lang ay pinapayuhan na ng pamahalaan ang publiko na magtipid ng tubig sa lahat ng paraan na kanilang magagawa sakaling ma-delay ang pagpasok ng tag-ulan. FILE PHOTO. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Sa Angat Dam nagmumula ang 90 porsiyento ng tubig na isinu-supplay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Maynilad sa buong Metro Manila.

Ito rin ang nagpapatakbo sa isang hydroelectric power plant ng National Power Corporation (NAPOCOR).

Bukod pa rito, nagpapatubig din ito sa 28,000 ektarya ng bukirin sa Bulacan at Pampanga sa pamamagitan naman ng National Irrigation Administration (NIA).

Hindi pa man nagsisimula ang summer season, naitala na ang 193.33 meters na lebel ng tubig sa Angat Dam kaninang ala-6 ng umaga, Miyerkules.

Ibig sabihin, mas mababa ito ng mahigit sa 18 metro sa normal water level nito na 212 meters.

Ayon sa senior hydrologist ng Pagasa na si Socrates Paat Jr., naitala ang pinakamababang water level na 157.56 meters sa Angat Dam noong July 14, 2010 dahil sa epekto ng El Niño Phenomenon kahit na panahon ng tag-ulan noon.

Bunsod nito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at mga ahensya ng gobyerno na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.

“Kung hindi tayo magtitipid ng tubig, kung hindi magkokontrol yung ating mga ahensya especially yung nagsusuplay sa mga ahensya natin sa patubig like, MWSS, NIA, NAPOCOR, kung hindi natin kokontrolin yung pagproduce ng kuryente at  pagpapadaloy ng irigasyon, malamang abutin natin yun at yung magde-deplete ng .3 meters daily at walang ulan, definitely aabot sa level na yan,” babala ni Paat.

Ilan sa paraan upang makatipid ng tubig ay siguraduhing walang tagas o water leaks ang mga gripo at linya ng tubig.

Gumamit ng palanggana o basin sa paglalaba, paghuhugas ng mga gulay, prutas at iba pang gamit sa kusina.

Maiigi rin na gumamit ng watering can o sprinklers sa pagdilig ng mga halaman.

Tuwing magsisipliyo ng ngipin, ilagay sa baso ang tubig at huwag hayaang tuloy-tuloy ang agos ng tubig sa gripo.

Ayon pa sa PAGASA, kung bababa sa critical water level o 180 meters ang tubig sa Angat Dam, mapipilitang itigil ang irigasyon para sa mga magsasaka sa Bulacan at Pampanga.

“So wala munang irrigation supply para sa mga magsasaka sa Bulacan, so it’s only for domestic consumption pag umabot sa level na iyon,” saad pa ni Paat. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481