Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Search team ng Malaysia at Vietnam, walang nakitang debris sa lugar na nakita ng satellite ng China

$
0
0

Search area is seen on an iPad of a military officer onboard a Vietnam Air Force AN-26 aircraft, during a mission to find the missing Malaysia Airlines flight MH370, off Con Dao island, March 13, 2014. REUTERS/Kham

KUALA LUMPUR, Malaysia — Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad sa nawawalang Malaysia Airlines flight MH370 na ngayon ay nasa ika-anim na araw na.

Sa inilabas na satellite image ng Chinese authorities kaninang umaga, sinasabing debris ito mula sa nawawalang eroplano.

Ang larawan ay nakuhanan ng satellite ng China, isang araw matapos mawala ang Boeing 777.

Dahil dito, agad na nagpadala ng mga search team ang Malaysia at Vietnam sa South China Sea batay sa satellite image na sinasabi ring malapit sa flight path ng nawawalang eroplano.

Ngunit matapos ang paghahanap, walang nakitang debris ang mga awtoridad sa lugar na itinuturo ng satellite image.

Kasunod nito sinabi ni Chinese Premier Li Keqiang na hindi sila susuko sa paghahanap sa nawawalang eroplano.

“The Chinese government has activated a comprehensive contingency response and search operation, and one Chinese vessel is on its way towards the respected waters. Currently there are eight Chinese vessels in the related waters. Ten satellites are now providing information and technical support. We will not give up on any suspected clue that has been found.”

Dagdag pa nito, “We are doing our best to identify the suspicious dots spotted by satellite images. This is an international and large-scale search operation involving many countries. The Chinese government has asked relevant parties to enhance coordination, investigate the cause, locate the missing Malaysia Airlines plane and properly handle all related matters.”  As long as there is glimmer of hope, we will stop searching for the plane.”

Kaugnay nito, humingi na ng tulong sa Amerika ang Malaysia at hiniling na magpadala ng mga eksperto mula sa Federal Aviation Administration at National Transportation Safety Board upang i-analyze ang radar data.

Ito ay dahil sa mga hindi magkakatugmang impormasyon na naglalabasan ukol sa flight path ng Malaysian Airlines flight MH370.

Samantala, umapela naman sa publiko ang internet search engine na Google na huwag gagamiting source ang mapa nito sa paghanap sa MH370.

Ito ay dahil sa mga kumplikadong impormasyon na naglalabasan na natagpuan na umano ang eroplano gamit ang Google map.

Bilang pagbibigay respeto ng Malaysian Airlines sa hanggang ngayon ay nawawalang eroplano,

simula bukas ay babaguhin na ang flight code ng airline company sa ruta nito na Kuala Lumpur to Beijing at tuluyan nang aalisin ang flight code MH370.(Irish Ilao / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481