QUEZON CITY, Philippines — Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang sugatang drayber ng motorsiklo matapos bumangga sa likuran ng isang sasakyan sa E. Rodriguez Bgy. Damayang Lagi alas-11:30 gabi ng Linggo.
Nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktima na kinilang si Boyet Ced dahil sa tinamo nitong mga gasgas sa kamay at tuhod.
Reklamo ng biktima, bigla umanong huminto ang sasakyan sa kaniyang harapan kaya hindi ito agad nakaiwas.
“Bigla po kasi silang huminto tapos naka-go naman yun bumangga po ako,” saad ni Ced.
Depensa naman ng drayber ng pribadong sasakyan na si Mary Co, mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya ito naaksidente.
“Maayos ang daloy ng na sasakyan namin yung pag-andar bigla na lang isang yung motorcycle biglang anglakas ng pagkasalpok sa kotse namin siguro hindi niya makontrol yung brake kasi sa sobrang bilis.”
Samantala, nirespondehan din ng UNTV News and Rescue Team ang isa pang motorcycle accident sa bahagi naman ng Mindanao Avenue sa Brgy. Talipapa, Quezon City.
Nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang biktima na kinilalang si Jonathan Lichauco dahil sa tinamo nitong gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay Allan Panganiban na nakasaksi sa aksidente, nabangga si Lichuaco ng isa pang motorsiklo habang paliko sa isang u-turn slot sa Mindanao Avenue.
Saad nito, “Mayroong isang motorsiklo na mag-u-uturn na bigla siyang pumasok na may parating ng isang motorsiklo.”
Agad naman umanong tumakas ang nakabangga sa biktima.
Matapos malapatan ng paunang lunas ang mga biktima, agad itong isinugod sa East Avenue Medical Center. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)