Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagtanggap sa mga nagnanais maging piloto sa bansa, dapat higpitan ayon sa CAAP

$
0
0

FILE PHOTO: A passenger plane taking off at the Ninoy Aquino International Airport (ROGELIO NECESSITO JR. / Photoville International)

MANILA, Philippines – Imumungkahi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga counterpart nito sa ibang bansa na magkaroon ng mas mahigpit na pagtanggap sa mga nais mag-aral ng piloto lalo na’t maraming banyagang student pilots sa bansa.

Layunin nito na mas masala pa ang background ng mga pilot student at magkaroon ng seguridad ang mga sumasakay sa eroplano.

Sa ngayon ay may 41 recertificated pilot school sa bansa habang 4 naman ang foreign approved training organization school.

Ilan sa foreign students ay mga Indian, Korean, Taiwanese, Indonesian at Nigerian.

Ayon kay CAAP Deputy Director General Captain John Andrews, napili ng mga ito ang Pilipinas dahil ang medium of language aviation ay English bukod sa mas murang matrikula.

“Maraming foreign students pumapasok sa Pilipinas nagaaral lumipad. Kung hindi tayo bibigyan ng tamang impormasyon kung saan sila nanggaling, hindi natin malalaman din kung ano pinanggalingan niyan. Kaya magkakaroon siguro ngayon ng agreement among different CAAs na proper security clearance na mga ibibigay sa mga student pilots.”

Kaugnay naman sa co-pilot ng nawawalang eroplano ng Malaysia Airlines, kinuwestiyon ni Capt. Andrews ang konting flight hours sa loob ng pitong taon.

Lumalabas sa report ng Malaysian authorities na nasa 350 hours per year lamang ang nailipad nito samantalang ang average na lipad ng isang piloto ay nasa 600 hanggang 1,000 hrs.

“Bakit ganoon kaliit yung kanyang flight time, gusto ko malaman kung ano record nun baka nasuspindi ito nang matagal eh,” pahayag pa ni Andrews.

Tiniyak naman ng opisyal na may isinasagawa silang safety measures sa cockpit ng eroplano sa bansa.

“Ang importante dito yung loob ng cockpit, yung sa loob ng eroplano, never magkakaroon ng isang tao lang doon. Maski na 2 ang piloto doon kung isa kailangang lumabas merong ibang papasok doon para palaging may kasama.”

Ayon pa kay Capt. Andrews, may mga security procedure din na ginagawa sa mga paliparan upang maiwasang manganib ang buhay ng mga pasahero.

“Huwag po kayong matakot, kasi lahat po ng ito napagisipan na namin, hindi pupwedeng mangyari sa atin yan,” saad pa nito. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481