Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV News and Rescue, rumesponde sa tumagilid na jeep sa QC

$
0
0

Kasama ang MMDA Rescue na rumesponde sa aksidenteng naganap sa Philam-EDSA nitong Lunes ng gabi, ang biktimang ito matapos malapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ay dinala sa East Avenue Medical Center. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa Brgy. Philam, Quezon City, alas-9 ng gabi nitong Lunes.

Mabilis na nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang isa sa tatlong nasugatan na kinilalang si Marissa Diamsan nakatira sa Bungabung, Nueva Ecija dahil sa tinamo nitong malalim na hiwa sa noo at sugat sa kanang paa at pagkatapos ay agad itong dinala sa East Avenue Medical Center.

Samantala, minor injuries naman ang tinamo ng mga kasama nito na binigyan naman ng first aid ng MMDA Rescue Unit.

Ayon sa tauhan ng MMDA na si Bryan Llanera, iniwasan ng jeepney driver ang isang concrete barrier sa north bound lane ng EDSA at dahil sa sobrang bilis nito ay hindi na umano ito nakapagpreno kaya sumalpok sa center island.

Tumagilid ang jeep at kumalat sa kalsada ang dala-dala nitong niyog na ibibyahe sana sa Nueva Ecija.

“Galing sila ng flyover so nung nailing daw sila dito sa my concrete barrier so nagulat siya dahil mabilis yung takbo napakabig siya hindi niya nakaya yung manibela niya.”

Umabot ng mahigit dalawang oras bago naialis ng mga tauhan ng mmda at traffic sector 1 ang mga nagkalat na niyog sa kalsada. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481