Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

LTFRB, tumatanggap na ng aplikasyon para sa special permits ng mga bus sa long holiday sa Abril

$
0
0

FILE PHOTO: Provincial buses (UNTV News)

MANILA, Philippines – Simula nitong Martes ay maaari nang magsumite ng aplikasyon para sa special permit ang mga pampasaherong bus na nais bumiyahe sa labas ng kanilang ruta sa darating na mahabang bakasyon sa Abril.

Ito ay upang tugunan ang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Gayunman, sinabi ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez na may mga kondisyon sa pag-a-apply ng special permits.

“Ganun pa rin ang mga condition, not more than 10yrs ang dapat na magaapply na mga units dito. Number one dapat… valid ang franchise at mayroong mandatory passenger safety and liablity reinsurance. Dapat hindi more than 25% ng kanilang existing route ang kanilang iaapply na ruta.”

Sa pamamagitan ng special permit, papayagan ang mga pampublikong sasakyan na makabiyahe sa ibang mga probinsya na hindi specified sa kanilang prangkisa.

Bago bumiyahe ay magsasagawa rin ng roadworthiness inspection ang LTFRB sa mga bus units upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

“Bibisitahin namin ang terminals, garahe at maglalagay ng checkpoints at help desks ang LTFRB at aming regional offices,” saad pa ni Ginez.

Samantala, sa susunod na linggo ay maglalabas naman ang LTFRB ng guidelines sa pagtanggap ng aplikasyon ng special permit sa mga bus na nais bumiyahe sa Manila-Sagada-Bontoc route ng GV Forida, habang umiiral pa ang suspensyon sa naturang bus company.

Ayon kay Ginez, “Ang kagustuhan lang natin dito ay wag mapabayaan ang mga kaukulang kailangan para sa transpo ng mga mamamayan, lalo na doon sa Cagayan Valley.” (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481