Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Media, bawal nang mag-astang imbestigador sa mga crime scene

$
0
0
FILE PHOTO: Cordoned crime scene (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Cordoned crime scene (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Rerepasuhin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang police operational procedures.

Ito ang dahilan kaya nagpatawag ng conference ang pamunuan ng pambansang pulisya sa mga operations at admin officers nito.

Tinalakay sa kumperensiya na gawing simple at mahigpit na ipatupad ang operational procedures kapag may naganap na krimen. Kabilang na rito ang paghihigpit sa mga miyembro ng media na nagko-cover.

Ayon kay PNP Chief, Director General Alan Purisima, iniiwasan nilang masira o mawala ang anomang ebidensiya lalo na sa mga crime scene kaya  off limits ang media pati na ang mga usisero.

“Kasi wag natin sirain yung crime scene kasi pagka yun na polluted na ang crime scene hindi na natin masasabi na eto yung nangyari before kasi masisira yung credibility ng investigation,” pahayag ng heneral.

Nauna nang nagbigay ng direktiba ang pamunuan ng PNP sa kanilang mga imbestigador na huwag mag- iisyu ng anomang pahayag sa media upang maiwasan na maging opinionated ang kanilang report.

“Dapat ang ibinibigay lang po nila ay yung basic facts na nakikita nila kasi yung details na yan may disrupt, may cause of non solution of the case,” saad ni Purisima.

“Kung ano yung nakikita nya, at kung ano yung nakikita ng reporter ay yun lang ang pwede nyang sabihin.”

Ayon pa kay Purisima, kailangan ding mapangalagaan ang pangalan ng isang biktima o maging ng isang suspek kaya’t dapat lang na maging factual ang ire-report ng media at hindi isang spekulasyon lamang.

“Yun ang ang masaklap don kasi yung tao ay meron ding dignidad ibig sabihin kung gagawa na tayo ng ibang istorya e namatay na nga siya eh nasisira pa yung kanyang pangalan,” saad pa niya. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481