MANILA, Philippines – Hindi inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang batas na magbibigay ng benepisyo sa mga centenarian o mga Pilipinong may edad 100 pataas.
Sa ilalim ng naturang panukalang batas, makakakuha ng 75% discount sa mga bilihin at serbisyo ang nasa 8-libong mga Pilipino na may isandaan taong gulang na.
Bukod pa ito sa P100,000 cash gift na ipagkakaloob ng national government.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nalalakihan ang pangulo sa diskwento at mabigat ito para sa mga negosyante lalo’t hindi ito maaaring isama sa tax deduction.
“Ang mangyayari po kung naipasa ito, ang magbebear po ng burden ng 75% ay yung negosyo.”
Hinimok naman ng Malakanyang ang mga mambabatas na muling ihain ang panukala sa 16th Congress. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)