Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Full alert status, ipatutupad ng NCRPO sa sabado bilang paghahanda sa pasukan sa Lunes

$
0
0
FILE PHOTO: Police on patrol (UNTV News)

FILE PHOTO: Police on patrol (UNTV News)

MANILA, Philippines — Simula ngayong sabado ay ilalagay na sa full alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang buong Metro Manila.

Ito’y bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 3, Lunes.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas, magde-deploy sila ng halos 10-libong tauhan upang mabantayan ang mga estudyante na inaasahang dadagsa sa mahigit 2-libong paaralan sa Metro Manila.

“Magdedeklara tayo ng full alert sa Saturday for the preparation of the opening of classes on Monday, ito po yung ating Oplan Balik Eskwela at Oplan Saklolo na ini-implement ng NCRPO kada pasukan ng mga estudyante.”

Sinabi pa ni Molitas na nakipag-usap na rin sila sa mga security head ng mga paaralan sa Metro Manila para makatulong sa pagbabantay sa mga mag-aaral laban sa masasamang loob.

“Meron naman talaga tayong existing school security na gumagawa nito at trabaho nila na bantayan ang kanilang mga estudyante, pero nandon lang po tayo at kung kailangan nila tayo ay handa tayong tumugon kung ano man ang kailangan inside and outside the perimeter of the school,” dagdag pa ni Molitas.

Maging ang mga istasyon ng tren ay lilibutin din ng pulisya upang masiguro na walang estudyante na mabibiktima ng mga kriminal ngayong pasukan. (Bernard Dadis & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481