Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

LP, may napipisil nang pambato sa 2016 presidential elections

$
0
0

FILE PHOTO: Ang pagtaas ni Pangulong Benigno Aquino III sa kamay ni DILG Secretary Mar Roxas noong sila ay kapwa nagpahayag ng kandidatura noong 2010 Presidential at Vice Presidential elections. Sa 2016 ipinahayag na ng Liberal Party na si Sec. Roxas ang kanilang presidentiable. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Liberal Party acting president at DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na si DILG Secretary Mar Roxas ang kanilang magiging standard bearer para sa 2016 presidential elections.

“Sa LP alam nyo naman ang kasagutan ko diyan eh kung sino yung magdadala ng bandera ng LP at si Secretary Roxas po yun.”

Gayunpaman, sinabi ni Abaya na hindi muna nila pagtutuunan ng pansin ang 2016 presidential elections kundi ang ipagpatuloy ang mga programa ng administrasyong Aquino.

Ayon sa kalihim, bagama’t si Roxas na ang consensus ng partido na ikandidatong pangulo, marami pa ring proseso ang dadaanan nito.

Kinumpirma rin ni Abaya na kahit malayo pa ang eleksyon ay maraming pulitiko na ang nagpahayag ng kagustuhang tumakbo sa 2016. Ang taong 2016 aniya ay pagpapatuloy ng adhikaing daang matuwid ni Pangulong Aquino.

“Patuloy kami na mga kalihim ng mga departamento na maglingkod ng patuloy sa ating bayan,” saad ng kalihim.

Samantala, itinatanggi ni Abaya na interesado siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 presidential elections.

Sa ngayon aniya ay nakatutok pa siya sa problema ng Mactan-Cebu Airport at problema sa DOTC. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481