MANILA, Philippines – Patuloy ang isinasagawang cleanup drive ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga estero at kanal sa kalakhang Maynila.
Sa ngayon ay nililinis na ng MMDA ang estero na malapit sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) main complex.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, mahigit 30 truck ng basura ang kanilang nakuha kahapon sa La Concordia Creek sa Plaza Dilao, Paco, Maynila.
Katuwang ng MMDA ang Flood Control Management and Sewerage Office (FCMSO), Metro Parkway Clearing Group (MPCG) at Solid Waste Management Office (SWMO).
Layon ng clean up drive na malinis ang mga estero para mabawasan ang mga pagbaha sa tag-ulan. (UNTV News)