ESTADOS UNIDOS – Patuloy na namamayapag sa north american box office ang action film na “Fast and Furious 6”.
Ang pelikula ang itinuturing na pinaka-malaking opening film sa kasaysayan ng Universal Pictures.
Ang action film na kinabibilangan nina Vin Diesel at Dwayne Johnson ay kumita na ng $300 million worldwide simula ng ito ay ipalabas sa big screen noong May 24.
Sumusunod sa Fast and Furious 6 ang comedy film na “The Hangover” Part 3 na pinagbibidahan nina Bradley Cooper, Zach Galifianakis at Ed Helms.
Tumabo na sa takilya ang pelikula ng $51.2 million sa US at Canada. (UNTV News)