Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Ikaw”, pasok na sa grand finals ng ASOP TV

$
0
0
Ang interpreter at kompositor ng ASOP grand finalist na "Ikaw" na sina Keith Princess Jover at Boy Christopher Ramos Jr. (inset photo). Ang awiting 'Ikaw' (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

Ang interpreter at kompositor ng ASOP grand finalist na “Ikaw” na sina Keith Princess Jover at Boy Christopher Ramos Jr. (inset photo). Ang awiting ‘Ikaw’ (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

MANILA, Philippines – Pasok na rin sa grand finals ang awiting “Ikaw” matapos itong tanghaling monthly winner sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival, Linggo ng gabi.

Hindi man nakarating ang kompositor nitong si Boy Christopher Ramos Jr., binigyan naman sya ng pagkakataong makasama sa programa sa pamamagitan ng telepono.

Labis namang ikinatuwa ng interpreter nitong si Keith Princess Jover ang pagkapanalo ng naturang awit.

“Nagpapasalamat po ako ng sobrang-sobra sa‘ting Panginoon kasi ginabayan niya kami at ayun.  Kahit wala po ‘yung composer ko ngayon, masaya ako kasi kahit wala siya, eto nanalo kami.”

Dinaig ng naturang awit ang mga komposisyon nina Mario Borje at Josefina Cox na “My Life is Your Miracle” na inawit ng Philippine Idol winner na si Mau Marcelo at “sa Likod ng Bughaw na Langit” ni Romeo Hadap sa rendisyon naman ng theater artist na si Migs Ramirez.

Muli namang nagkasama bilang mga hurado sina Beverly Vergel, Rannie Raymundo at Mon Del Rosario. (Adjes Carreon & Ruth Navales, UNTV News)

(LEFT-RIGHT) Ang mga naging hurado sa ASOP monthly finals na ito ay sina Mon Del Rosario, Beverly Vergel at Rannie Raymundo. (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

(LEFT-RIGHT) Ang mga naging hurado sa ASOP monthly finals na ito ay sina Mon Del Rosario, Beverly Vergel at Rannie Raymundo. (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481