PASIG CITY, Philippines — Maaga pa lang ay mahaba na ang pila ng mga kababayan nating manuood ng pelikulang isang araw sa labas ng Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Excited ang lahat na mapanuod ang kakaibang pelikula na isinulat mismo ni Kuya Daniel Razon na siya ring direktor at pangunahing aktor ng pelikula.
Si Mang Ariel hinakot ang buong pamilya, para sa kanya mahalaga na magkakasama silang manuod na mag anak dahil hangad nila ang mabuting aral na hatid ng pelikula.
“Ito po ay naging isang family bonding na rin sa aming pamilya, nagkasundopo kaming mag-asawa na dalhin ang mga anak para makanuod ng isang magandang pelikula.”
Gaya ng mga naunang movie tour, puno ng manununod ang Ynares Sports Arena.
Hindi naman sila nabigo sa kanilang inaasahan sa pelikula ni Kuya Daniel.
Maya’t maya ang tawanan.
Marami rin ang hindi napigilang magpahid ng luha sa mga tagpong nagpaantig sa kanilang damdamin.
“Sobrang maganda po marami pong matututunan. Sobrang ganda kumpara sa ibang pelikula, ” anang Acaba Family.
Pahayag naman ng manonod na si Gemmalyn Francisco, “Sobrang ganda, idol ko si Kuya, ang ganda grabe nakakaiyak.
Iba’t- ibang damdamin man ang naramdaman ng mga nanuod ng pelikulang Isang Araw. Iba’t ibang aral din ang kanilang natutunan at ang isa sa tumatak sa kanilang isipan na hindi nila makakalimutan ay: Ang paggawa ng mabuti ay hindi magbubuna ng masama at maari natin itong pasimulan kahit isang araw lang. (JOAN NANO / UNTV News)