Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

E-Subpoena para sa mabilis na pag-usad ng mga kaso sa bansa, inilunsad

$
0
0

Ang paglulunsad ng E-Subpoena kung saan ang mga involved na government agencies ay pumirma sa isang MOA. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inaasahan ang mabilis na pag-usad at paglilitis sa mga kaso sa buong bansa.

Ito ay matapos na inilunsad ng Supreme Court, Department of Justice, Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police ang electronic subpoena o E-subpoena.

Ayon kay PNP Deputy Director for Operations, Deputy Dir. Gen. Leonardo Espina, mahalaga ang mabilis na transmittal ng subpoena lalo na sa taong sangkot sa illegal drugs at iba pang heinous crime na sinampahan ng kaso ng PNP.

“This time utilizing technology to our advantage. Wala nang dahilan na hindi makakarating ang mga subpoena sa kinauukulan. Wala nang dahilan para sabihing delayed ang dating ng subpeona,” ani Gen. Espina.

Sinabi pa nito na naiiwasan  na rin ang paggamit ng papel kaya makatitipid ang pamahalaan at ma-iiwasan na ang delay sa delivery ng subpoena.

Sinabi naman ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na hindi nagiging katanggaptanggap ang mga nadi-dismiss  na  kaso dahil sa delay ng  pagdating ng subpoena.

“Kapag nagpadala sila ng subpoena na ayon sa tradisyunal na pamamaraan na papel ang ginagamit ay mga dalawang buwan po maaring abutin bago makarating ang subpeonang ipinadala ng korte sa pulis station at maari rin pong huli na at tapos na ang naka-schedule na hearing,” paliwanag ni CJ Sereno.

Idinagdag naman ni DILG Sec. Mar Roxas na wala na ang “just-tiis” sa halip na justice o “OK  na yan syndrome”  na sinabi naman ni DOJ Sec. Leila de lima.

Ani Roxas, “Committed po kami at committed tayong lahat na ung “just-tiis” ay magiging tunay na justice .”

Pahayag naman ng Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan, “For far too long, our system is characterized by inefficiency and delay, fragmentation and lack of action, the result is a lost of trust. Confidence by the citizen in the ability and dedication of government to deliver the one public good that is desired and needed by all — the cry for justice.”

Sa E-subpoena system, mangangailangan lamang  ng computer units, internet connections, private mail account, user name at password na pamamahalaan ng clerk of court, court administrator at ng PNP-Directorate for Investigation and Detective Management (PNP-DIDM).

Base sa tala ng DIDM nasa 700-800 subpoena bawat araw ang kanilang natatanggap nationwide.

Sa pamamagitan ng e-subpoena, naniniwala silang wala nang kaso na madi -dismiss dahil sa non- appearance ng akusado o nag-aakusa. (LEA YLAGAN, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481