AUSTRALIA – Pinaiimbestigahan na ng mga otoridad ang pahayag ng isang private company sa Australia na natagpuan nito ang wreckage ng Malaysia Airlines Flight MH370.
Ayon sa Malaysian transport minister, nakikipag-ugnayan na ang Malaysia sa international partners upang i-assess ang impormasyon.
Una rito ay sinabi ng kompaniyang GeoResonance na kanila umanong natagpuan ang wreckage ng nawawalang eroplano sa Bay of Bengal.
Ang Bay of Bengal ay milya-milya ang layo mula sa Indian Ocean, ang lugar na isinasagawa ang search operations.
Samantala sinabi naman ng nangunguna sa search operation na Australian Joint Agency Coordination Center (JACC) na imposible itong mangyari dahil hindi ito nagrehistro sa satellite at radar data na kanilang nasagap. (UNTV News)