Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

Exec. Sec. Pacquito Ochoa, ‘Padrino’ sa BOC ng mga smuggler, pinabulaanan ng Malacañan

$
0
0
FILE PHOTO: Executive Secretary Paquito Ochoa (UNTV News)

FILE PHOTO: Executive Secretary Paquito Ochoa (UNTV News)

MANILA, Philippines — Interesado ang Malakanyang na malaman ang mga pangalan ng  sinasabing malalaking pwersa o mga pangalan na nasa likod ng talamak na  korapsyon sa Bureau of Customs.

Kaugnay nito, dumipensa na ang Malakanyang sa usapin na ang isa umano sa mga padrino ng mga smuggler  ay nasa loob mismo ng Palasyo.

Isa sa mga lumulutang na pangalan ay si Executive Secretary Paquito Ochoa na siyang nagrekomenda sa isa sa mga deputy commissioner ng BOC.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inamin ni E.S.Ochoa na siya nga ang nagrekomenda kay Atty. Peter Manzano na maging deputy commissioner ng Customs.

“I had occasion to speak to the Executive Secretary this morning (Friday). He confirms that he is the one who recommended Atty. Peter Manzano for the position as deputy commissioner.”

Ngunit sa kabila nito, wala siya umanong kinalaman sa sinasabing siya ang padrino ng mga illegal na gawain sa ahensya.

“The ES has nothing to do with any transactions, any illegal or otherwise that has been mentioned in the coarse of these reports.”

Katunayan, ayon kay USec. Valte mismong si Ochoa ang nagbabala noon sa publiko laban sa mga umano’y gumagamit ng kaniyang pangalan sa BOC. (NEL MARIBOJOC, UNTV News)


LPA at ITCZ, patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa — PAGASA

$
0
0
MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image  9:32 a.m., 29 July 2013 (PAGASA-DOST)

MTSAT ENHANCED-IR Satellite Image
9:32 a.m., 29 July 2013 (PAGASA-DOST)

MANILA, Philippines — Patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang Luzon, Visayas at Mindanao kahit walang bagyo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), epekto ito ng Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Tacloban City at nakapaloob sa Inter-tropical Convergence Zone (ITCZ) na umiiral sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Sa pagtaya ng Pagasa, patuloy na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa partikular na ang Bicol Region, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Visayas at Quezon Province na maaaring magdulot ng flashflood at landslide.

Ang Metro Manila ay makararanas din ng maulap na papawirin at maulang panahon kaya’t pinapayuhan ang publiko na magdala ng kaukulang pananggalang. (UNTV News)

Ilang pampasaherong bus, pinayagan nang muling bumiyahe sa Maynila

$
0
0
FILE PHOTO: Bus entering Manila via Welcome Rotunda in España Boulevard. (UNTV News)

FILE PHOTO: Bus entering Manila via Welcome Rotunda in España Boulevard. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Muling papayagan ang pagbiyahe ng ilang pampasaherong bus sa mga pangunahing kalsada sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD) Traffic Unit, pansamantalang ipatutupad ang modified bus ban upang mapag-aralan ang magiging epekto nito sa daloy ng mga sasakyan sa lungsod.

Sa ilalim ng nasabing arrangement, sampung unit ng bawat bus company na may prangkisa ang papayagang pumasada sa Maynila simula ngayong araw ng Lunes.

Maaari silang bumiyahe mula Quezon City papasok ng España Boulevard, Park and Ride terminal at ilang bahagi ng Taft Avenue.

Ang mga bus naman na mula sa Pasay at Makati City ay maaaring dumaan sa Quirino, Taft, Park and Ride, ilang bahagi ng España at Lacson Streets.

Maaari lamang magsakay at magbaba ng pasahero ang mga bus sa España, Lawton at Luneta area sa Maynila.

Ngunit paglilinaw ng Manila Traffic Unit, kailangang maglagay ng karatula kung saan makikita ang numero pati na ang body at plate number ng bus at may lagda ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at Vice Mayor Isko Moreno. (UNTV News)

Panukalang paglalagay ng CCTV cameras sa loob ng mga bus, muling bubuhayin ng MMDA

$
0
0
FILE PHOTO: Bus (UNTV News)

FILE PHOTO: Bus (UNTV News)

MANILA, Philippines — Planong buhayin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang paglalagay ng mga closed-circuit television (CCTV) camera sa mga pampasaherong bus.

Kasunod ito ng ilang naitalang kaso ng pangho-holdap sa mga bus nitong nakaraang linggo na ikinasawi ng isang call center agent at isang chef.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, nakababahala na ang mga insidente ng bus robbery na maaari namang masawata sa tulong ng CCTV.

Sa pamamagitan nito ay madaling makikita ang mga nangyayari sa loob ng bus; at matatakot naman ang mga holdaper dahil madali silang makikilala.

Habang hindi pa ito naipatutupad, nagpaalala ang MMDA sa mga bus operator na huwag gawing tinted ang salamin ng mga bus at huwag ding ibaba ang kurtina.

Ito ay upang makita ang nangyayari at agad makatawag ng saklolo kung may krimen sa loob ng bus. (UNTV News)

Pagsasagawa ng traffic summit, napapanahon na — Sen. Recto

$
0
0
Sen. Ralph Recto (UNTV News)

Sen. Ralph Recto (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na panahon na para magdaos ng traffic summit upang masolusyunan ang lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Sa isinagawang pag-aaral ng senador, lumalabas na aabot sa 150-bilyong piso kada taon ang nasasayang dahil sa problema sa trapiko sa kalakhang Maynila.

Katumbas na ito ng isang porsyento ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ayon kay Recto, bukod sa problema sa trapiko, malaki na rin ang problema sa mga pagbaha  sa kamaynilaan.

“If you make Metro Manila work properly, then mas maraming magkakaroon ng pagasa its easier to make the entire country work as well.”

Ayon pa kay Recto, maaaring magpulong sa summit ang mga opisyal ng Local Government Unit (LGU) upang talakayin ang iba’t ibang solusyon sa problema na kapaki-pakinabang sa lahat.

Sa pamamagitan din ng summit, maaaring buoin ang mga batas na makapagpalabas ng pondo para sa mga programang may kaugnayan sa traffic.

“There is no silver bullet that will solve the traffic problem, there are many things I suppose need to be done, himayin natin ito, pagusapan natin ito,” pahayag pa ng senador.

Samantala, isusulong din ni Senador Recto ang pag-recruit ng dagdag na 400 MMDA traffic enforcers na tutulong sa pagmamando ng trapiko sa Metro Manila mula umaga hanggang gabi.

Ayon kay Recto, matagal na panahon pa ang hihintayin bago maisakatuparan ang tunay na solusyon sa trapiko, tulad ng elevated highway sa EDSA, dagdag na mga bagon at linya ng MRT at LRT.

“Matagal maglatag ng mga bagong kalsada at highways subalit madaling magdagdag ng traffic enforcers na poposte sa mga kritikal na intersection sa buong Metro Manila mula umaga hanggang gabi, tag-araw man o tag-ulan,” anang senador.

Iminungkahi rin ni Recto ang pagbibigay ng hazard pay sa traffic enforcers na nakalalanghap ng mga usok ng sasakyan sa maghapong pagtayo sa mga kalsada.

“Talaga namang mapanganib sa kalusugan ang lumanghap ng itim na usok mula sa tambutso ng jeep, bus, kotse at motorsiklo. Napapanahon na sigurong bigyan din natin ng hazard pay ang traffic enforcers, na bukod sa palaging nasa panganib ang buhay na masagasaan o mapagdiskitahan ng maiinit na ulong motorista, ay nanganganib ding magkaroon ng sakit sa pulmon at baga.”  (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

MMDA, nagpakalat ng mga tauhan upang paigtingin ang ipinatutupad na bus segregation scheme

$
0
0
FILE PHOTO: MMDA traffic  enforcer (UNTV News)

FILE PHOTO:  MMDA traffic enforcer (UNTV News)

MANILA, Philippines — Muling nagpakalat ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng kanilang mga tauhan para paigtingin ang pagpapatupad ng bus segregation scheme sa EDSA.

Ito’y kasunod ng puna ukol sa umano’y hindi pagsunod ng maraming driver sa programa na nagtatakda ng lugar kung saan sila maaaring magsakay at magbaba ng mga pasahero depende sa bus stop.

Layon ng programa na mabawasan ng hanggang apatnapung porsyento ng trapiko sa Metro Manila, partikular sa kahabaan ng Edsa.

Aminado naman si MMDA Chairman Francis Tolentino na marami pa ring tsuper ang sumusuway sa bus segregation scheme bagama’t patuloy silang gumagawa ng mga paraan upang ito’y maipatupad. (UNTV News)

Halos P12 bilyong halaga ng imprakstraktura at agrikultura, nasira dahil sa mga kalamidad sa Western Visayas

$
0
0
FILE PHOTO: Ang labi ng dinaanan ng buhawi noong hapon ng June 18, 2013 sa bayan ng Minglanilla sa Cebu. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang labi ng dinaanan ng buhawi noong hapon ng June 18, 2013 sa bayan ng Minglanilla sa Cebu. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

ILOILO CITY, Philippines — Tinutukan ng Regional Disaster Risk Reduction & Management Summit ang implementasyon ng mga proyekto ng gobyerno sa Western Visayas.

Ito’y matapos umabot sa halos 12-bilyong piso ang halaga ng mga nasirang imprastraktura at agrikultura dahil sa mga tumamang kalamidad sa rehiyon simula noong 2008 hanggang 2012.

Ayon kay Director Rosario Cabrera ng Office of Civil Defense Region 6, umabot sa P7,049,719,000 ang nagamit sa pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura sa Western Visayas, samantalang pumalo naman sa 4,894,816,149 ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa rehiyon sa loob ng nakalipas na 5 taon.

Dagdag pa ni Cabrera, umabot sa 3,343,658 indibidwal ang naapektuhan ng mga kalamidad sa nasabing time frame.

Dahil dito, naglabas ng mungkahi ang National Economic and Development Authority (NEDA) Region 6 para sa mga local chief executive sa rehiyon na magpatupad ng mga proyektong makakatagal sa mga kalamidad.

Sinabi naman ni NEDA Region 6 Director Ro-Ann Bacal na magiging mabusisi sila sa pagsusuri ng mga proyektong ipatutupad sa Western Visayas.

“We really need to be proactive. We really need to implement our infrastructure projects well so that they are not easily destroyed,” ani Bacal.(Vincent Arboleda / Ruth Navales, UNTV News)

Awiting “I Am Grateful”, pasok na sa grand finals ng ASOP TV 2

$
0
0
(Left to Right) Ang interpreter at composer ng nanalong ASOP Song of the Month na sina Miro Valera at RJ Jimenez para sa kanilang awit na 'I am Grateful' na pumasok bilang ika-11 na grand finalist. (GAYE FRITS OFILAS / Photoville International)

(LEFT to RIGHT) Ang interpreter at composer ng nanalong ASOP Song of the Month na sina Miro Valera at RJ Jimenez para sa kanilang awit na ‘I am Grateful’ na pumasok bilang ika-11 na grand finalist. (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

MANILA, Philippines – Pasok na bilang isa sa mga grand finalist ang awiting “I Am Grateful” sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival matapos itong tanghaling song of the month sa buwan ng Hulyo noong Linggo ng gabi.

Sa modernong rendisyon ng Stonefree vocalist na si Miro Valera, naungusan ng komposisyon ni RJ Jimenez ang tatlo pang weekly winning entries kabilang ang “Tanging Daan” ng mag-inang Meldin at Erlinda Nabia na inawit ni Shanne Velasco, “Hallelujah” ni Ricardo Mercado sa rendisyon ni Dennis Perez at “Pagtitiwala Ng Puso” ni Antonio Gan Jr na inawit ng Passage vocalist na si Mark Laygo.

“Salamat! Finally! Well, sobrang saya na talagang ‘yun grateful talaga ako sa nangyari.  Actually, sa totoo lang, ang dami ko ring sinasalihan na ano… songwriting competition.  Tapos eto ‘yung kauna-unahan na talagang nanalo ako,” masayang pahayag ni RJ.

Ayon naman kay Miro, “sobrang salamat din tapos ayun, ako honored. Nagpapasalamat lang din na binigyang buhay ko ‘yung magandang kanta ni RJ.”

Kasama ni Mon Del Rosario sa panel ng mga hurado sina Direk Carlos Siguion-Reyna at pop rock singer na si Lou Bonnevie.

Mapapanood ang finals night ng ASOP Year 2 sa Setyembre sa Smart-Araneta Coliseum. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

(LEFT to RIGHT)  ASOP Judges: Hitmaker Mon Del Rosario, Pop-Rock Singer Lou Bonnevie and Direk Carlos Siguion-Reyna (PRINCE MAVERICK MEDINA MARQUEZ / Photoville International)

(LEFT to RIGHT) ASOP Judges: Hitmaker Mon Del Rosario, Pop-Rock Singer Lou Bonnevie and Direk Carlos Siguion-Reyna (PRINCE MAVERICK MEDINA MARQUEZ / Photoville International)


1st UNTV Cup, opisyal nang pinasimulan

$
0
0
Ang ceremonial jump ball ng unang laro ng UNTV Cup sa pagitan ng Team DOJ at Team AFP na pinangunahan ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon kasama ang tatayong commissioner ng paliga na si PBA Legend Atoy Co. (JUN RAPANAN / PHOTOVILLE International)

Ang ceremonial jump ball ng unang laro ng UNTV Cup sa pagitan ng Team DOJ at Team AFP na pinangunahan ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon kasama ang tatayong commissioner ng paliga na si PBA legend Atoy Co (naka-blue polo shirt). (JUN RAPANAN / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Opisyal nang pinasimulan ang UNTV Cup na isa sa mga public service initiative ng himpilan.

Lunes ng gabi, July 29, sa SMART-Araneta Coliseum ay ipinakilala na ang mga koponan na binubuo ng public servants at celebrities na magtatagisan ng galing sa basketball sa mga susunod na buwan.

Kabilang dito ang team Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), Supreme Court (SC), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philhealth, at ang team Congress/LGU’s

Isa sa mga sangay ng pamahalaan na lumahok ay ang Team Supreme Court na kinabibilangan ng mga   kawani ng Korte Suprema kasama si SC Court Administrator  Justice Midas Marquez. Tumayong team manager naman ng grupo si Supreme Court Justice Jose P. Perez. Kasama din ang mga artistang sina John Hall at James Blanco sa team na ito. (MAIA GARCIANO / PHOTOVILLE International)

Isa sa mga sangay ng pamahalaan na lumahok ay ang Team Judiciary na kinabibilangan ng mga kawani ng Korte Suprema kasama si SC Court Administrator Justice Midas Marquez. Tumayong team manager naman ng grupo si Supreme Court Justice Jose P. Perez (in white long sleeves). Kasama din ang mga artistang sina John Hall at James Blanco sa team na ito. (MAIA GARCIANO / PHOTOVILLE International)

Unang nagharap sa first game ang koponan ng DOJ at AFP at pinangunahan naman ni Kuya Daniel Razon ang ceremonial jump ball.

Kasama rin sa mga maglalaro sina former congressman Erin Tañada, TESDA Secretary Joel Villanueva, Supreme Court Administrator Midas Marquez.

Sa celebrities, magpapakitang-gilas sina Emilio Garcia, James Blanco, Allen Dizon, Jordan Herrera, Onyok Velasco, John Hall, Eric Fructuoso, Jao Mapa, Michael Flores, Ervic Vijandre at ang magkakapatid na Kier, Brandon at Zoren Legaspi.

IMAGE_UNTV-News_JULY302013_PHOTOVILLE International_REY VERCIDE_UNTV CUP

Ang dating mga artistang hinangaan ng mga kabataan noong dekada 90 na sina Eric Fructuoso (may hawak ng bola) at Michael Flores (bumabantay) ay nagkaharap sa unang laro ng UNTV Cup suot ang uniporme ng Team Armed Forces of the Philippines (white) at Team Department of Justice (black). Ang lahat ng pitong koponang kasali ay may tig-2 artistang kasama na reinforcement. (REY VERCIDE / Photoville International)

Round robin eliminations ang sistema ng laro, ibig sabihin ay makakalaban ng bawat koponan ang pitong teams

Kung sino ang top four ay siyang makakasama sa playoffs bilang semi final round at ang top two teams ang siyang maglalaban sa kampeonato ng UNTV Cup na gagawin sa Nobyembre.

“Ang lagi nating goal at mission ay public service, ang UNTV ay public service channel so lahat ng ating ginagawa ay gearing towards na makapagsilbi sa ating mga kababayan sa iba’t ibang pamamaraan,” ani Kuya Daniel Razon. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Nagsilbing commentators naman ang sa buong laro sina veteran sports analyst Sev Sarmenta at former PBA player and UAAP coach Ronnie Magsanoc. (ROVIC BALUNSAY / Photoville International)

Nagsilbing commentators naman ang sa buong laro sina veteran sports analyst Sev Sarmenta at former PBA player and UAAP coach Ronnie Magsanoc. (ROVIC BALUNSAY / Photoville International)

 

Ilang lalawigan sa Central Mindanao, lubog pa rin sa baha

$
0
0
Ang Bahay Pamahalaan ng Bayan ng Kabuntalan sa Maguindanao Province na lubog sa baha. HANDOUT PHOTO FROM: Bureau of Public information ARMM

Ang Bahay Pamahalaan ng Bayan ng Kabuntalan sa Maguindanao Province na lubog sa baha. (HANDOUT PHOTO FROM: Bureau of Public information ARMM)

DAVAO CITY, Philippines – Umabot na sa mahigit 30,000 residente mula sa Central Mindanao ang apektado ng pagbaha dahil sa ilang araw na pag ulan.

Pangunahin sa mga apektadong lugar ang Cotabato City, Maguindanao Province, North Cotabato at Sultan Kudarat.

Nagsimulang tumaas ang tubig baha sa mga nabanggit na lugar bunsod ng tatlong araw na pag-ulan dahilan para umapaw ang ilog ng Rio Grande De Mindanao.

Sa Cotabato City, umabot na sa 25 barangay ang lubog sa baha dahilan upang suspendihin ang klase mula elementarya hanggang high school sa lahat ng paaralan sa lungsod.

Lubog din sa baha ang 14 munisipalidad sa Maguindanao at 7 munisipalidad sa North Cotabato.

Ang nasabing mga munisipalidad ay nakapalibot sa Liguasan Marsh na nauna na ring umapaw dahil sa mga pag ulan.

Tiniyak naman ng mga lokal na pamahalaan na mabibigyan ng relief goods ang mga apektadong residente. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Approval ratings ni Pangulong Aquino at VP Binay, nananatiling mataas ayon sa Pulse Asia Survey

$
0
0
FILE PHOTO: Si Vice President Jejomar Binay at si President Benigno S. Aquino III sa kanilang pagdalo Joint Philippine Economic Briefing and Regional Development Council Meeting sa Cagayan de Oro City noong March 23, 2011. (Photo By Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau)

FILE PHOTO: Si Vice President Jejomar Binay at si President Benigno S. Aquino III sa kanilang pagdalo Joint Philippine Economic Briefing and Regional Development Council Meeting sa Cagayan de Oro City noong March 23, 2011. (Photo By Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Nananatiling mataas ang approval at trust ratings nina president Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay.

Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 73-porsyento ang approval rating ng pangulo habang 78 naman ang nakuha ni Binay.

77 percent ang nakuhang trust rating ni Pangulong Aquino, habang 78 percent ang kay Binay.

44 percent naman ang nakuhang approval rating ni noo’y senate president Juan Ponce Enrile habang nasa 38 percent ang kay House Speaker Feliciano Belmonte Junior.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula Hunyo 20 hanggang Hulyo 4 sa 1,200 respondents sa buong bansa. (UNTV News)

Voters registration para sa barangay at SK elections, hanggang ngayong araw na lang – COMELEC

$
0
0
FILE PHOTO: Isang botante na nagpaparehistro (RITCHIE TONGO / PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Isang botante na nagpaparehistro (RITCHIE TONGO / PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Hanggang ngayong araw na lamang ng Miyerkules, Hulyo 31, maaaring magpa-rehistro ang mga botante para sa nalalapit na synchronized barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Isang araw bago ang deadline, dumagsa sa mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang daan-daang botante dahilan upang maging siksikan at magkaroon ng gulo sa pila.

Marami rin sa ating mga kababayan ang humiling sa Comelec na palawigin ang deadline sa registration upang makahabol ang iba pang botante.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., wala silang ipatutupad na extension at hanggang ala-singko lamang ng hapon tatanggap ng mga magpaparehistro.

Target ng Comelec na makapagtala ng 700-libong bagong botante para sa barangay elections, habang 2-milyon naman para sa SK elections.(UNTV News)

Biofuel, posibleng magpababa sa presyo ng petrolyo

$
0
0
Ang kampanya ng Philippine Coconut Authority, DOST at Department of Agriculture na pagsusulong ng paggamit ng biofuel mula sa mga bunga ng niyog. (UNTV News)

Ang kampanya ng Philippine Coconut Authority, DOST at Department of Agriculture na pagsusulong ng paggamit ng biofuel mula sa mga bunga ng niyog. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Philippine Coconut Authority (PCA) kung napapanahon na ang paggamit ng biofuel bilang solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa ngayon ay nasa P40 ang presyo ng biodiesel, mas mababa ng tatlong piso sa regular na diesel.

Ang biofuel ay may halong methyl ester o kemikal na produktong mula sa niyog.

Sa ngayon ay 2% lamang ang halo ng biodiesel na ginagamit ng mga sasakyan, subalit susubukan ng PCA ang B5 o may 5% na halo.

Ayon sa PCA, napapanahon ang paggamit ng biofuel dahil mas mababa ang presyo ng niyog sa ngayon.

Inaasahan na lilikha ito ng mahigit sa 37-libong trabaho sa industriya ng niyog.

Bukod pa dito, mababawasan ng 80% ang polusyong ibinubuga ng sasakyan kung B5 ang gagamitin.

“Sigurado pong ito’y makakatulong sa pagpapaganda ng ating environment. Imbes na yung mga negosyante sa Middle East ang makinabang, ang makikinabang po ay mga coconut farmers,” pahayag ni PCA Administrator Euclides Forbes.

Sinabi naman ni DOE-Oil Industry Management Director Zenaida Monsada na dapat ring pag-aralang mabuti ang posibleng maging epekto ng paggamit ng biofuel sa iba pang sektor ng lipunan. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)

Panukalang iparehistro sa DOTC ang lahat ng mobile phone sim cards, muling isinulong sa Senado

$
0
0
 Prepaid sim card. FILE PHOTO. (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

Prepaid sim card. FILE PHOTO. (RAYMOND BALA LACSA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Muling binuhay ng ilang senador ang panukalang iparehistro sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ang lahat ng mga sim card ng cellphone na kalimitang ginagawang triggering device sa mga bomba.

Kasunod ito ng nangyaring pagsabog sa isang mall sa Cagayan De Oro na ikinasawi ng walo katao at ikinasugat ng mahigit 40.

Ayon kay Assistant Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III, mas madaling matunton ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pambobomba kapag rehistrado ang sim card.

Sinusuportahan naman ng ilang senador ang panukalang ito ni Sotto.

Taong 2011 pa nang unang isulong ang naturang panukala na tinutulan ng grupong TXT Power dahil magbibigay umano ito ng maling impresyon sa publiko ukol sa paglaganap ng krimen.

Giit ng grupo, magandang ideya ang panukalang batas subalit posible pa ring gumawa pa rin ng paraan ang mga kriminal upang malusutan ito.(Jaypee Ramirez / Ruth Navales, UNTV News)

Comm. Biazon, dapat bigyan ng ultimatum — Sen. Ejercito

$
0
0
FILE PHOTO: Bureau of Customs Commissioner Rufino "Ruffy" Biazon (UNTV News)

FILE PHOTO: Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Senador JV Ejercito na dapat ay bigyan ng takdang panahon si Commissioner Ruffy Biazon na linisin sa katiwalian ang Bureau of Customs (BOC).

Kabilang aniya sa dapat na gawin ni Biazon ay ang rehabilitasyon at re-organization sa Bureau of Customs.

Para sa senador, malaking hamon ito sa kasalukuyang pamunuan ng BOC.

“Siguro, if he can see improvements in the next six months up to the end of the year at least headway lang, hindi naman kailangan na talagang drastic improvement.”

Sinabi rin ni Ejercito na mas mainam na pakialaman na ni Pangulong Aquino ang kawanihan at pagbitiwin na rin ang lahat ng opisyal nito bilang delikadesa.

“If I were the president, I would ask courtesy resignation of everybody, all the top official of the bureau for me to re-organize the bureau.”

Dagdag pa ni Ejercito, kung hindi makakaya ni Commissioner Biazon ang paglilinis sa ahensiya sa takdang panahon, maiging kusang loob na siyang magbitiw sa tungkulin.

“Siguro maganda niyan in 6 months time walang improvement, dapat mag-voluntary resignation na si commissioner,” dagdag pa ng senador.(Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Kuya Daniel Razon at programang Bread and Butter, pinarangalan sa 33rd Dangal ng Bayan

$
0
0
Mr. Public Service Kuya Daniel Razon and Bread N' Butter (UNTV News)

Mr. Public Service Kuya Daniel Razon and Bread N’ Butter (UNTV News)

MANILA, Philippines — Muling tumanggap ng pagkilala ang tinaguriang Mr. Public Service na si Kuya Daniel Razon sa ika-33 Dangal ng Bayan sa plenary hall ng PICC sa Pasay City, Martes ng gabi.

Tinanggap ng Programs and Production Head ng UNTV ang parangal kay Kuya Daniel bilang outstanding journalist at public servant dahil sa kanyang mga adbokasiya at mga naging kontribusyon sa industriya.

“Una nagpapasalamat po tayo sa Dios sa ipinagkaloob ng Dangal ng Bayan award kay Kuya Daniel bilang outstanding journalist at public servant, lalong-lalo kinilala nila yung advocacy project niya na “Tulong Muna, Bago Balita” at itong kalulunsad lamang na “Tulong Muna, Bago Pasada”.

Kinilala rin bilang outstanding family-inspired television program ang Bread and Butter dahil sa pagiging family-friendly at educational ng naturang programa.

Samantala, binigyan din ng espesyal na parangal si Ginoong German Moreno sa mga naging kontribusyon nito sa entertainment industry.

“I’m still doing my very best. Tumutulong pa rin tayo sa mga pangarap ng kabataan na kung ano yung gusto nilang marating and for me it’s like a mission na binigay sa atin ng Panginoon kung ano yung sinimulan ko pinagpapatuloy ko,” pahayag ni Kuya Germs.

Maging ang educational at anti-bullying film na “Potpot” ni Louella De Cordova kasama ang Sparkling Stars Production ay kinilala rin dahil sa patuloy na paggawa ng mga makubuluhang pelikula.

“Dahil nakita nila yung Potpot na highly recommended naman talaga, anti-bullying po sya, and then nabalitaan po nila, tapos na po yung “Boy Scout”, ang objective nito ay to bring back the old glory of boys scout of the Philippines,” ani Johnny Mateo, ang producer ng Potpot.

Ayon naman sa Indie film producer na si Shubert Dela Cruz, “naniniwala kasi ako na mas magtatagal kami sa industriya kung ganitong mga tema ng pelikula, yung wholesome ang gagawin namin at nagpapasalamat kamin sa pagkakataong mabigyan ng award”

Naging panauhing pandangal naman ng gabing iyon ang dating unang ginang na si Imelda Marcos. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

Sen. Marcos, isinulong ang panukalang ipagpaliban ang gaganaping SK elections sa Oktubre

$
0
0
FILE PHOTO: Senator Bongbong Marcos (UNTV News)

FILE PHOTO: Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas si Senador Bongbong Marcos na humihiling na kanselahin ang nakatakdang Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.

Layunin ng panukala na bigyang-daan ang reporma sa SK na umano’y nagiging breeding ground ng korapsyon.

Kung maaprubahan ang panukala, isasagawa ang SK elections sa huling Lunes ng October-2016 o anumang petsa na itatakda ng batas.

Mananatili naman sa pwesto ang mga SK officer na nahalal noong 2010, maliban na lamang kung sila ay masususpinde o matatanggal sa puwesto,  hanggang  sa maihalal ang kanilang magiging  kapalit.

Sa panig naman ng Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na inatasan na ni Pangulong Aquino ang Department of Interior and Local Government (DILG) na pag-aralan ang panukalang pag-abolish sa SK. (Bryan de Paz / Ruth Navales, UNTV News)

QCPD at KABAGIS, magtutulungan kontra krimen

$
0
0
(Left) Si Chief Supt. Richard Albano habang kinakamayan si KABAGIS President  Engr. Gilbert Sabio sa pagkakasundo na magkaroon ng pagtutulungan sa paglaban sa kriminalidad. Ang memorandum of agreement ay isinagawa nitong Miyerkules, July 31. (UNTV News)

(Left) Si QCPD Chief Supt. Richard Albano habang kinakamayan si KABAGIS President Engr. Gilbert Sabio (Right) sa pagkakasundo na magkaroon ng pagtutulungan sa paglaban sa kriminalidad. Ang memorandum of agreement ay isinagawa nitong Miyerkules, July 31, 2013. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagsanib pwersa ang Quezon City Police District (QCPD) at ang grupong binubuo ng mga Muslim at Ilokano, ang “Kabalikat ng Bayan, Ginhawang Sangkatauhan” o KABAGIS.

Nitong Miyerkules ay nilagdaan ng QCPD at KABAGIS ang isang MOA kontra krimen.

Sinabi ng hepe ng QCPD na si Chief Supt. Richard Albano na maaaring magsilbing force multiplier ang grupo sa pagsugpo sa kriminalidad.

“Walang silbi ang pulis kung walang tulong ng mamamayan, mas marami kayo, kokonti kami, ang mamamayan sila ang bantay sa kalye at tenga sa barangay.”

Nangako naman si Engr. Gilbert “SF Mulawin” Sabio, national president ng grupo na magiging kaagapay sila ng QCPD sa kanilang kampanya kontra krimen.

“We want to serve and assist the PNP in maintaining peace and order and assisting medical mission and rescue operations.”

Kasabay nito, ibinabala ni Albano na mawawalan ng bisa ang kasunduan kapag lumabag ang grupo sa kasunduan tulad ng pag-abuso sa kapangyarihan at pagkakasangkot sa anomang krimen. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Publiko, pinag-iingat vs Gaga Robbery & Carnapping Group

$
0
0
Ang ilan sa mga miyembro ng Gaga Robbery and Carnapping Group na pinangungunahan ni Resty Branzuela na may alyas na Gaga. (UNTV News)

Ang ilan sa mga miyembro ng Gaga Robbery and Carnapping Group na pinangungunahan ni Resty Branzuela na may alyas na Gaga. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang publiko sa bagong modus operandi ng mga kriminal.

Ayon sa hepe ng QCPD na si Chief Supt. Richard Albano, gumagamit ng magagandang babae ang grupong tinaguriang “Gaga Robbery and Carnapping Group”.

Modus ng grupo na banggain ang likuran ng sasakyan ng kanilang target, kunin ang sasakyan, i-drive patungo sa bahay ng biktima at saka pagnanakawan.

“Pag nabangga at halatang binangga, lalong lalo na yung hindi busy road, kunin mo na agad yung plate number at punta ka agad sa busy street at least di agad sila makaka-diskarte,” ani Albano.

Sa ngayon ayon kay Albano ay inutusan na niya ang lahat ng kanyang tauhan partikular ang mga nagpapatrolya na maging mapagmatyag sa galaw ng mga kawatan.

“Dapat conscious sila sa ganito lalo na yung sa mga nasisiraan, pag may nadaanan na nasiraan ay sitahin ng pulis.”

Tiniyak din ng heneral na mas paiigtingin pa nila ang kanilang police visibility. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Problem agencies ng administrasyong Aquino, binabantayan ng Ombudsman

$
0
0
Office of the Ombudsman (CREDITS: www.gov.ph)

Office of the Ombudsman (CREDITS: www.gov.ph)

MANILA, Philippines – Binabantayan ngayon ng Office of the Ombudsman ang mga ahensyang sakit ng ulo ng pamahalaan na nabanggit ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong isang linggo.

Kabilang dito ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI) at National Irrigation Administration (NIA).

Ayon kay Assistant Ombudsman Asryman Rafanan, sisikapin nilang bigyan ng resolusyon ang mga reklamong kinasasangkutan ng mga naturang ahensya. (UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live