Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all 18481 articles
Browse latest View live

27 estudyante, nagsipagtapos sa short training courses program ng Aksyon ni Kuya

$
0
0
Ang mga mag-aaral na nagtapos sa libreng technical training ng Aksyon ni Kuya short training courses program (UNTV News)

Ang mga mag-aaral na nagtapos sa libreng technical training ng Aksyon ni Kuya short training courses program (UNTV News)

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwan, nagtapos na ang 27 mga estudyante na mapalad na nakatanggap ng libreng technical training ng Aksyon ni Kuya short training courses program nitong Biyernes, August 30, 2013.

Ito ay bahagi ng public service ni Kuya Daniel Razon na makapagbigay ng libreng edukasyon sa ating mga kababayan.

Sa pamamagitan nito, mayroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makapag-training kahit hindi sila nakapagtapos ng pagaaral.

Bilang tulong ay irerefer ang mga bagong graduate sa mga kumpanyang may kaugnayan sa SOFIA para mabilis silang magkaroon ng trabaho.

Tutulungan din sila ng SOFIA maging sa pagkuha ng lisensya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Professional Regulation Commission (PRC).

“We are hoping na kung ano man ang matutunan nila dito sana ay magamit nila yun para sa sarili nila at sa pamilya nila, makatulong sila sa maraming mga tao at kababayan at makatulong sila kung saan man sila mapuntang kumpanya,” pahayag ni SOFIA Training and Review Director, Engr. Reginaldo Marinay.

Walang pinipiling edad ang training, basta’t pursigidong matuto ay tatanggapin at tuturuan ng SOFIA.

Nagpapasalamat naman ang mga nagsipagtapos dahil sa napakagandang pagkakataon na makapag-aral ng libre.

Laking pasasalamat naman ng mga estudyante dahil nabigyan sila ng pagkakataong makapag aral ng libre.

“Maraming salamat po at naanyayahan po ako, na naka-attend po ako sa pagaaral na ito,” ani Victor Dilasan.

Ayon naman kay Reynante Campano, “nagpapasalamat ako sa UNTV na nag-sponsor po para sa libreng paaral sa electrician at sa powerhouse na sila po yung nagtuturo kung wala po ito siguro problema ko pa din yung pagaaral.”

Kabilang sa mga short courses na libreng inaalok ng SOFIA at UNTV ang building and wiring installation.

Inaasahan na sa mga susunod na panahon ay magbubukas pa ng mas maraming kurso ang Aksyon ni Kuya na maaaring pasukan ng maraming Pilipino. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Sen. Villar, pinaiimbestigahan ang foreign policy ng bansa kaugnay ng nagaganap na tensiyon sa Syria

$
0
0
Sen. Cynthia Villar. FILE PHOTO. (UNTV News)

Senator Cynthia Villar. FILE PHOTO. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Isang resolusyon ang inihain ni Senator Cynthia Villar sa senado na naglalayong mabatid ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino na naiipit ng kaguluhan sa Syria.

Nakasaad sa Resolution Number 230 ang pagsasagawa ng joint investigation ng Senate Committee on Foreign Relations at Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

Nais ding alamin ng senadora ang foreign policy ng gobyerno sa sitwasyon ng katulad sa Syria.

Pinasisiguro rin ni Villar sa pamahalaan ang kaligtasan ng mga Pilipinong hindi pa naililikas.

“A senate inquiry is needed so we can look into the implications of such military action on our economy that relies heavily on oil and workers’ remittances from the Middle East. It can also help sharpen Philippine Foreign Policy in the face of global concerns raised by the use of chemical weapons against innocent civilians,” anang senadora.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayroon pang mahigit 3-libong OFW ang nasa Syria na ang karamihan ay mga babae na nagta-trabaho bilang domestic helper. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)

Batas laban sa mga eskwelahan na namimilit sa mga estudyanteng mag-enroll sa mga review center, inaprubahan ni Pangulong Aquino

$
0
0
Republic Act No. 10609 (Protection of Students Right to Enroll in Review Centers Act of 2013)

Republic Act No. 10609 or the Protection of Students Right to Enroll in Review Centers Act of 2013 (UNTV News / www.gov.ph)

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas na nagbabawal sa mga public at private colleges at universities na mamilit sa mga estudyanteng kukuha ng professional licensure examinations na mag-enroll sa mga review center.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10609 (Protection of Students Right to Enroll in Review Centers Act of 2013), bawal nang i-require ang mga estudyante na kumuha ng review class sa mga review center na pinili ng eskwelahan.

Bawal na ring gawing pre-requisite o isang requirement ang review class bago maka-graduate ang isang estudyante.

Labag rin sa batas na pwersahin ng mga eskwelahan ang mga estudyante na mag-enroll sa mga review center na pinili mismo ng eskwelahan at pagbayarin sa ibat-ibang gastusin.

Bawal na ring i-hold ng mga eskwelahan ang transcript of scholastic records, diploma o anumang dokumento ng isang estudyante upang mapilitan lamang itong mag-enroll sa isang review center.

Ang sinumang opisyal o empleyado ng isang eskwelahan na mapatutunayang lalabag sa bagong batas ay posibleng makulong ng hanggang anim na taon, magmumulta ng mahigit 700-libong piso, at suspensyon sa trabaho o pagpapawalang bisa sa kanyang professional license. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)

Mahigit 200 tauhan ng QCPD, nag-donate ng dugo

$
0
0
Hindi lang ang kanilang buhay ang handang ibigay ng mga magigiting na pulis na ito, pati ang kanilang mga dugo. (UNTV News)

Hindi lang ang kanilang buhay ang handang ibigay ng mga magigiting na pulis na ito, pati ang kanilang mga dugo. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Mahigit 200 tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nag-donate ng dugo sa Philippine Blood Center (PBC) para sa mga nangangailangan.

Ayon kay Philippine Blood Center officer in charge Dr. Andres Bonifacio, malaking tulong ang naturang blood donations lalo na sa mga pasyenteng may sakit na leukemia at dengue.

“Hindi pa tapos ang ating laban kailangan pa natin ng maraming kabalikat para masustain natin at itaas ang antas ang quality ng blood sa ating mga kababayan.”

Sinabi naman ni QCPD Deputy Director for Administration, Police Sr. Supt. Joel Pagdilao na lagi silang nakahandang tumugon lalo na’t malaking tulong ito para makapag-salba ng buhay ng maraming kababayan.

“Yung pulis natin nagbibigay ng dugo para makapagsalba ng buhay sa mga nangangailangan.”

Tiniyak naman ng Philippine Blood Center na dumadaan sa matinding pagsusuri ang mga donasyong dugo bago ibigay sa mga nangangailangan ng blood transfusion.

“Lahat ng dugo na ibinigay natin sa pasyente should undergo a mandatory testing for a five transfusion transmissible infection namely HIV 1&2, hepatitis B&C, siphilis at malaria,” pahayag pa ni Dr. Bonifacio.

Nananawagan ang Philippine Blood Center sa mga nagnanais mag-donate ng dugo na tumawag lamang sa kanilang hotline # 709- 37-92 / 709-37-03. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)

Freedom forum, isasagawa kaugnay sa talamak na human trafficking

$
0
0
(RIGHT) International Justice Mission Director Atty. Andrey Sawchenko (UNTV News)

(RIGHT) International Justice Mission Director Atty. Andrey Sawchenko (UNTV News)

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng freedom forum ang multi sectoral groups kaugnay sa talamak na human trafficking sa iba’t ibang bansa.

Layunin ng forum na mailatag ang operational procedures ng global movement para sa mga naging biktima ng slavery, sexual exploitation at iba pa.

Batay sa datos ng human rights agency na International Justice Mission (IJM), nasa dalawamput pitong milyon na ang naitatalang kaso ng human trafficking sa buong mundo.

Ayon kay IJM Director Atty. Andrey Sawchenko, isa ang human trafficking sa itinuturing na malaking problema sa kasalukuyan sa buong mundo kasama na dito ang Pilipinas.

Isasagawa ang naturang forum sa darating na Setyembre 5, 2013 (Huwebes).

Nakapaloob din dito ang mga workshop at panel discussion na pangungunahan ng mga eksperto. (Francis Rivera / Ruth Navales, UNTV News)

“Hangga’t May Tinig Ako”, unang weekly winner sa ASOP Year 3

$
0
0
Ang composer at interpreter ng unang weekly winner ng ASOP Year 3 na sina Jinnie Adilan at Myrus para sa awiting “Hangga’t May Tinig Ako”. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

Ang composer at interpreter ng unang weekly winner ng ASOP Year 3 na sina Jinnie Adilan at Myrus para sa awiting “Hangga’t May Tinig Ako”. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – Naging buwena manong weekly winner ang awiting “Hangga’t May Tinig Ako” sa pagsisimula ng ikatlong taon ng A Song of Praise o ASOP Music Festival, Linggo ng gabi.

Ayon sa kompositor ng naturang awit na si Jinnie Adilan, bagama’t kinakabahan ay masaya ito na mapili ng mga batikang hurado ang kaniyang likhang awit.

“Kabadong kabado po simula po nung tinawagan ako hanggang ngayon… Nagpapasalamat po ako sa mga nag-areglo ng kanta at sa composer natin at talagang nabigyan ng buhay ‘yung (ano) higit pa sa ine-expect ko.”

Pagmamalaki naman ng interpreter na si Myrus, ito ang awit na aniya’y nababagay sa kanyang estilo.

“Parang  nakikita ko ‘yung sarilil ko sa song… alam ko na may laban din ‘yung song niya unang narinig ko pa lang,” pahayag ng Pusong Lito singer.

Tinalo ng “Hangga’t May Tinig Ako” ang mga awiting “Pusong Ligaw, Pusong Uhaw” ni Alfredo Nadal na inawit ni Jay Perillo, at “Pinaka” ni Ferdinand Revano sa rendisyon naman ni Walton Zerrudo.

Kabilang sa mga umupong hurado sa naturang episode ang mga mang-aawit na sina Tina Paner at Moy Ortiz ng The Company, kasama ng house judge na si Mon Del Rosario. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

Ang pagbasa ng unang weekly winner para sa ASOP Year 3. (Left-Right) ASOP host Richard Reynoso, judge Moy Ortiz of The Company, actress/singer Tina Paner, ASOP host Toni Rose Gayda at ASOP regular judge and hitmaker Mon Del Rosario. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Ang pagbasa ng unang weekly winner para sa ASOP Year 3. (Left-Right) ASOP host Richard Reynoso, judge Moy Ortiz of The Company, actress/singer Tina Paner, ASOP host Toni Rose Gayda at ASOP regular judge and hitmaker Mon Del Rosario. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Senado, tinalakay na ang panukalang i-postpone ang SK Elections sa Oktubre

$
0
0
COMELEC Chairman Sixto Brillantes (UNTV News)

COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sinimulan nang talakayin sa senado ang panukalang ipagpaliban ang Sangguniang Kabataan (SK) Elections ngayong Oktubre 28, 2013.

Sinabi ni Senate Committee on Local Government Chairman Senador Bong Bong Marcos na sisikaping mapagpasyahan ng mga mambabatas sa lalong medaling panahon kung itutuloy ba o hindi ang SK elections sa susunod na buwan.

“Nagmamadali kami ng kaunti para maging malinawag sa COMELEC kung maghahanda pa sila ng SK elections o hindi .Sana before September, I’m hoping between sa House and dito sa Senado ay matapos na.”

Ayon pa sa senador, reporma at pagpapatatag sa Sangguniang Kabataan ang nais ng iba’t ibang stakeholders at hindi ang tuluyang pagbuwag dito.

Target naman ng komite na tapusin ang panukalang reporma sa loob ng isang taon upang makapagdaos na ng halalan sa susunod na taon.

“Hindi natin mamadaliin ito, dahil malaking bahagi ng ating lipunan eh mga kabataan.”

Samantala, bagama’t pabor ang COMELEC sa pagpapaliban ng halalan sa SK, tiniyak ni Chairman Sixto Brillantes Jr. na handa sila sa eleksyon sa Oktubre.

Ayon kay Brillantes kinakailangang maisabatas agad ang SK postponement hanggang sa unang linggo ng Oktubre bago ilabas ang 60-milyong piso na ibabayad sa mga guro na tatayong SK Board of Election Tellers o BET.

“Postponement lang, tingnan natin kung pwedeng tumakbo ang barangay without the SK…”

Dagdag pa ni Brillantes, “bahala na sila kung saan maipo-proposed ang postponement basta wag lang isabay sa barangay, but our preparations is tuloy pareho sa SK and Barangay.” (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)

NBI Deputy Director Edmundo Arugay, nagbitiw na rin sa pwesto

$
0
0

for arugay

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Justice Secretary Leila De Lima na nagbitiw na rin sa pwesto si NBI Deputy Director Edmundo Arugay, ilang araw lang matapos ang ginawang pagbibitiw sa pwesto ni Director Nonnatus Rojas.

Epektibo ang courtesy resignation ni Arugay simula September 14.

Nagbitiw si Arugay matapos ianunsyo ni De Lima sa media na may tatlo o apat na opisyal ng NBI ang dapat na magbitiw sa pwesto.

Tumanggi naman ang kalihim na pangalanan ang tinutukoy nitong mga opisyal.

“Itong some deputy directors na ito, napapansin ko palaging mayroong trust or integrity issues surrounding them although puro lang mga info na wala namang ebidensiya, both from within and outside. Consistent yung mga pangalan na naririnig ko pero walang ebidensiya.”

Samantala, hindi ikinaila ni De Lima na posibleng makaapekto ang nangyayari ngayon sa pamunuan ng NBI kaugnay sa pagsasampa ng kaso tungkol sa isyu ng pork barrel scam.

“Ayoko naman I always want to be candid. Siyempre nakakaapekto rin sa team na me-demoralization but I was talking to the team leader kagabi na move on, sige na, tapusin na, gawin nyo ginagawa nyo ngayon, tapusin nyo na kasi andyan na pressure na, hinihintay na inaasahan na pagfile ng mga kaso,” pahayag pa ng kalihim.

Binatikos naman ng abogado ni Janet Lim-Napoles na si Atty. Lorna Kapunan ang kalihim at sinabing hindi dapat makaapekto sa kaso ang pagbibitiw ng mga opisyal ng NBI.

“We do not want another delay in the filing of the complaint. I hope that her asking them to resign will not be used as a delay in this case,” ani Kapunan. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)


Panibagong batch ng mga OFW mula Egypt, nakatakdang dumating mamayang gabi

$
0
0
FILE PHOTO: Mga overseas filipino worker o OFW na dumating sa ating bansa nitong Marso taong kasalukuyan galing ng bansang Syria. (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Mga overseas filipino worker o OFW na dumating sa ating bansa nitong Marso taong kasalukuyan galing ng bansang Syria. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Nakatakdang dumating sa bansa mamayang gabi ang siyam na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Egypt.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, ito na ang ikalawang batch ng mga OFW na nagpasiyang umuwi ng Pilipinas dahil sa tumitinding kaguluhan sa Egypt.

Dagdag pa ng kalihim, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga recruitment agency para sa possible redeployment ng mga repatriated OFW sa ibang bansa.

Tiniyak naman ng DOLE na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga manggagawang Pinoy sa Egypt, Syria at Saudi Arabia.

Una nang nakauwi kanina ang mahigit dalawampung OFW mula naman sa bansang Syria. (UNTV News)

Japan, suportado ang Pilipinas na mapayapang maresolba ang territorial dispute sa West Philippine Sea

$
0
0
Google Maps: West Philippine Sea

Google Maps: West Philippine Sea

MANILA, Philippines – Ilan buwan makalipas ang pagbisita ng Japanese Defense Minister Itsunori Onodera, nag-courtesy call naman kay Defense Secretary Voltaire Gazmin ang Minister in charge of Ocean Policy and Territorial Issues ng Japan na si Ichita Yamamoto.

Sa pag-uusap ni Yamamoto at Gazmin, isa sa kanilang natalakay ang problema ng dalawang bansa kaugnay sa agawan sa teritoryo.

Kasalukuyang nahaharap sa isyu ng agawan ng teritoryo ang Pilipinas sa China at iba pang bansa sa Asya partikular sa West Philippine Sea.

Bukod sa Pilipinas, may territorial dispute din ang Japan at China sa Senkaku Island.

Ilang punto ang napagkasunduan ng Defense Secretary at Japanese Minister sa kanilang pulong.

“Shared view any country not changed status quo by force. Rule of law must remain. And we cooperate to send a strong message to int’l community,” ani Yamamoto.

No comment naman si Yamamoto sa usapin kung malaki ba ang maitutulong sa problema ng bansa ang planong pagdaragdag ng puwersa ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas.

Sa ngayon ay tapos na ang stage 2 ng pag-uusap ng Amerika at Pilipinas para sa pagbalangkas ng framework agreement ng increased rotational presence ng American soldiers sa bansa. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)

Planong pagpapaskil ng professional fees ng mga doktor at abugado, idinepensa ng BIR

$
0
0
“Madali lang naman yan, para wala kayong gulo sa BIR, kung libre eh di mag-issue kayo ng resibo. Gagawin kung P500, less P500, zero! Para wala tayong gulo na iniimbestagahan namin kayo dahil may biglang pasyente lumabas, tinatanong namin kayo meron ba kayong resibo?.” — Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares (UNTV News)

“Madali lang naman yan, para wala kayong gulo sa BIR, kung libre eh di mag-issue kayo ng resibo. Gagawin kung P500, less P500, zero! Para wala tayong gulo na iniimbestagahan namin kayo dahil may biglang pasyente lumabas, tinatanong namin kayo meron ba kayong resibo?.” — Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Jacinto Henares (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares ang bagong patakaran na nag-aatas sa mga propesyunal gaya ng abugado, doktor, dentist, accountant, engineer, architect at iba pa na ipaskil sa kanilang mga opisina ang kanilang professional fees.

Una nang inalmahan ng Philippine Medical Association (PMA) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang planong ito ng BIR.

Sinabi ni PMA President Dr. Oscar Tinio na hindi ito solusyon upang makapagbayad ng tamang buwis ang mga doktor sapagkat magkakaiba ang doctors fee.

Dagdag pa nito, hindi umano lahat ng pasyente ay kanilang sinisingil.

“We welcome that but there is no universal fee for all patients. Also, I don’t see this as a solution. Does it mean that once you post it, you’ll be paying the right taxes?”

“They see what we earn but they do not see what we don’t earn from the services that we render to poor patients.”

Paliwanag naman ni Henares, “madali lang naman yan, para wala kayong gulo sa BIR, kung libre e di mag-issue kayo ng resibo. Gagawin kung P500 less P500, zero! Para wala tayong gulo na iniimbestagahan namin kayo dahil may biglang pasyente lumabas, tinatanong namin kayo meron ba kayong resibo?.”

Ayon naman kay IBP Vice President Vicente Joyas, kwestyunable ang pagpapaskil ng kanilang professional fee. Maituturing umano na advertisement ito na labag sa IBP rules and regulation.

“My mobile phones have been ringing nonstop from IBP members regarding this BIR plan”

Dagdag pa ni Joyas, “If the BIR will push for the implementation of that plan, definitely we will be filing a case in court to question its legality.” (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)

Commuter group, magsasampa ng kaso upang pigilan ang operasyon ng Southwest Interim Provincial Bus Terminal

$
0
0
Elvira Medina, Presidente ng National Council for Commuters Protection o NCCP

Elvira Medina, Presidente ng National Council for Commuters Protection o NCCP

MANILA, Philippines – Sa susunod na linggo ay pinaplano ng isang commuter group ang pagsasampa ng kaso upang pigilin ang operasyon ng Southwest Interim Provincial Terminal sa Parañaque City.

Ayon kay Elvira Medina, presidente ng National Council for Commuters Protection (NCCP), makukumpleto na ang mga impormasyon at ebidensya na magpapalakas sa isasampa nilang kaso.

“Almost complete na kami sa kinakailangan naming dokumento and within this weekend or after the weekend magkakaroon na kami ng final decision kung anu yung legal option na pwede namin gamitin.”

Dagdag ni Medina, malaking pahirap hindi lamang sa mga commuter ang naturang terminal kundi maging sa mga bus driver at mga operator.

“Kalbaryo na ang nangyayari, it’s a problem that everybody doesn’t know where to go and what to do,” ani Medina.

Dalawang linggo na ang nakakaraan nang magsagawa ng tigil-pasada ang mga bus driver sa southwest provincial bus terminal na libo-libong pasahero ang naapektuhan.

Ayon kay Elvira Medina, hindi ito mangyayari kung pinag-aralan lamang ng mabuti ang sistemang ipinatutupad sa terminal.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang NCCP sa Coalition of Filipino Consumers (CFC) upang lalo pang lumakas ang kanilang pwersa.

Ayon sa commuter group, makikiisa din sila sa 1 million signature campaign at maging sa paghahain ng petisyon kay Pangulong Aquino.

Giit ng grupo, hindi pasilidad ang kailangang baguhin kundi ang sistema ng terminal.

“We are doing it to the best of our ability because we will never allow our commuters na madehado, we want to safeguard the security and protection of our fellow commuters,” pahayag pa ni Medina. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Bacterial infection na nakita sa 7 sundalo na nasugatan sa ComVal landmine blast, inaalam pa kung saan nanggaling

$
0
0
Ang X-Ray ng isang sundalong nasabugan ng  landmine sa Compostela Valley nitong Martes ng madaling araw. (UNTV News)

Ang X-Ray ng isa sa mga sundalong nasabugan ng landmine sa Compostela Valley nitong Martes ng madaling araw. (Eastern Mindanao Command)

DAVAO CITY, Philippines — Hinihintay pa ng mga doktor sa Camp Panacan Service Hospital na sumusuri sa pitong sundalong nasugatan sa pagsabog ng landmine sa Compostela Valley ang resulta ng eksaminasyon sa swab at shrapnel samples.

Sa isinagawang press conference kanina ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni Major Gen. Ariel Bernardo ng 10th Infantry Division na kinakitaan ng dalawang uri ng bacteria ang mga nasugatang sundalo.

“The lethal weapon na IED add more mas naging fatal siya  with that added na component na masyadong debilitating yung effect talaga masasabi natin kumbaga we are talking about a biological na war fare na biological weapon of mass destruction,” anang opisyal.

Ayon sa mga doktor ng EastMinCom, ito na ang ikalawang insidenteng kanilang naitala kung saan nakitaan ng sintomas ng bacterial infection ang mga biktima ng landmine na pinaniniwalaang kagagawan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ang unang naging biktima nito ay nasawi noong Agosto.

“True enough natapos malinis yung result nung culture nung mga shrapnel ng wound yun nga yung dalawang bacteria enterobacter cloacae streptococcus agalacteiae. Itong mga bacteria na ito common siya nakikita sa intestines ng mga tao or possible din sa hayop,” pahayag ni Dr. Victor Dato, Orthopedic Surgeon ng CPSH.

Sa ngayon ay inilipat na sa pribadong ospital ang pitong sundalo upang mas mabantayan ang kanilang mga kalusugan.

Samantala, mariing kinondena ng Philippine Army ang naturang pangyayari dahil tahasan umano itong paglabag sa Comprehensive Agreement on the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law.

Itinanggi naman ng New People’s Army ang akusasyon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Sa mensaheng ipinadala ng pamunuan ng NPA sa UNTV, hindi aniya totoo ang bintang ng pamahalaan at iginiit na tanging mga armas lamang na naagaw nila mula sa government forces at mga command detonated bomb ang kanilang ginagamit.

Sa ulat ng militar mula noong 2010 hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa 378 land mining incident ang naitala kung saan 101 na mga sundalo ang nasawi, habang 27 naman sa sibilyan. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)

Defending champion Andy Murray, tanggal na sa US Open

$
0
0
FILE PHOTO: Ang tennis player na si Andy Murray sa BNP Paribas Open nitong Marso ngayong taon. (REUTERS)

FILE PHOTO: Ang tennis player na si Andy Murray sa BNP Paribas Open nitong Marso ngayong taon. (REUTERS)

ESTADOS UNIDOS – Bigong maidepensa ni seeded number 2 Andy Murray ang kaniyang US Open title matapos matalo sa quarterfinal round.

Na-upset ang  two-time grand slam winner ni world number 9 Stanislas Wawrinka sa pamamagitan ng three straight sets sa iskor na 6-4, 6-3, 6-2.

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa semifinals ng major tournament si Wawrinka.

Una nang na-eliminate sa torneo si five-time champion Roger Federer.

“I thought he played great. That was the hardest part of the match. 5-4 game in the first set was important game. I had a chance to close it out; he had quite a few chances. I made a few mistakes. But I mean, for the most part I didn’t create break point chance, so he served well. He hit a lot of lines, was going for big shots, and he played too well,” ani Murray. (UNTV News)

COMELEC, hiniling na masertipikahang urgent ni Pangulong Aquino ang panukalang SK elections postponement

$
0
0
(Left-Right) FILE PHOTOS: Commission on Election Chairman Sixto Brillantes Jr.; President Benigno Aquino III (UNTV News)

(Left-Right) FILE PHOTOS: Commission on Election Chairman Sixto Brillantes Jr.; President Benigno Aquino III (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hiniling ng Commission on Elections (COMELEC) na masertipikahang urgent ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang pagpapaliban sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., kung mangyayari ito, maaari nang makapaglabas ng resolusyon ang mababa at mataas na kapulungan ng kongreso bago ang halalan.

Una nang sinabi ni Brillantes na mas mabuting ganapin na lamang sa 2016 ang SK elections at huwag nang isabay sa barangay elections upang makatipid ang poll body.

Pabor din si Brillantes sa panukalang i-abolish o tanggalin ang SK. (UNTV News)


Pagbasa ng sakdal kay Janet Lim Napoles, ipinagpaliban sa September 23

$
0
0
Mug-shots and ten-print card of Janet Lim-Napoles  (Philippine National Police)

Mug-shots and ten-print card of Janet Lim-Napoles (Philippine National Police)

MANILA, Philippines — Dininig ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda ang petisyong ipagpaliban ang arraignment kay Janet Lim Napoles na naunang itinakda sa September 9, 2013.

Ayon kay Judge Alameda, kailangang mapag-aralan at mabigyan ng sapat na panahon ang tatlong mosyon kabilang ang motion to suspend proceedings ni Reynald Lim, urgent motion for bill in particulars, at motion to defer arraignment ni Janet Lim Napoles.

Ayon kay Judge Elmo Alameda, sa susunod na linggo pa nila ilalabas ang resolusyon sa tatlong mosyon na inihain ng magkapatid na Reynald Lim at Janet Napoles.

Dagdag pa nito, gagawin sa kanyang sala ang pagbasa ng sakdal hangga’t wala silang natatanggap na kautusan mula sa Korte Suprema na gawin ang arraignment sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Nagpasalamat naman si Atty. Kapunan Kay Judge Elmo Alameda dahil pinagbigyan nito ang kanilang kahilingan na mailipat ang araw ng arraignment.

Paliwanag ni Atty. Kapunan, wala namang rason upang madaliin ang pagbasa ng sakdal dahil hindi naman tatakas ang kanyang kliyente.

Bukod dito ay naghihintay sila hanggang ngayon sa desisyon ng Court of Appeals (CA) hinggil sa inihain nilang petition of certiorari upang muling mapagaralan ang merits ng kasong illegal detention laban sa magkapatid na Reynald Lim at Janet Lim Napoles.

Samantala, pinagaaralan rin ngayon ng kampo ni Napoles na makapaghain ng isang mosyon upang tanggalin na ang CCTV cameras na nakakabit sa kulungan nito sa Fort Sto. Domingo dahil nalalabag umano nito ang rights of privacy ng kanilang kliyente. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Major revamp sa pamunuan ng NBI, ipatutupad kapag natapos na ang imbestigasyon sa pork barrel scam

$
0
0
FILE PHOTO: Department of Justice Leila De Lima (UNTV News)

FILE PHOTO: Department of Justice Leila De Lima (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hihintayin muna ni Justice Secretary Leila De lima na makumpleto ang report ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pork barrel scam bago ipatupad ang nakaambang major revamp sa pamunuan ng ahensiya.

Ayon sa kalihim, prayoridad nila sa ngayon ng NBI na makapaghain ng reklamo sa Ombudsman.

“Yun talaga ang pinaka-priority ngayon ng NBI. Gusto muna naming tapusin yan para ma-turn over na sa Ombudsman and then pwede nang gawin namin yung mga yan.”

Ayon pa kay De Lima, hindi limitado sa mga deputy director ng NBI ang gagawing revamp dahil may iba pang mga posisyon na tatamaan ng rigodon.

Samantala, sa isinagawang pulong ng pamunuan ng NBI kanina, nanindigan ang ilang deputy director ng ahensya na hindi sila magbibitiw sa pwesto

Kasama sa pulong sina Deputy Directors Virgilio Mendez, Reynaldo Esmeralda, Ruel Lasala at Rickson Chiong.

“We cannot compel them to resign. But that cannot deprive also us to undertake any major revamp within the bureau,” ani De Lima.

Sa kasalukuyan ay si Justice Secretary De Lima muna ang tumatayong officer in charge ng ahensiya matapos tanggapin ng palasyo ang pagbibitiw ni NBI Director Nonnatus Rojas.

Ayon sa kalihim, may mga napipisil na siyang irekomendang pumalit sa nabakanteng pwesto ni Rojas ngunit tumanggi muna itong pangalanan.

Una nang sinabi ni De Lima na mas makabubuti kung manggagaling sa loob ng NBI o sa DOJ ang susunod na pinuno ng ahensya. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)

Ilang Syrian-Americans, tinututulan ang planong limited military strike sa Syria

$
0
0
Americans demonstrate their opposition to military action against Syria during a rally outside the White House, August 29, 2013 (JASON REED / REUTERS)

Americans demonstrate their opposition to military action against Syria during a rally outside the White House, August 29, 2013 (JASON REED / REUTERS)

Washington DC – Marami ngayon ang nangangamba sa kauuwian ng planong pag-atake ng Amerika sa bansang Syria.

Dahil dito, nagsagawa ng protesta ang ilang Syrian-Americans sa harap ng White House sa Washington, D.C. upang ipanawagan kay US President Barack Obama na huwag ituloy ang naturang plano.

“They’re against Obama interfering in Syria, and honestly I’ve been torn into that decision, a lot of people are for, and a lot of people are against it, and they have their positives and negatives, and I’m like 50/50,” anang protester na si Maria.

Ayon naman kay Basa, “ I hate to see war everywhere, I hate to see civilians being killed but if someone doesn’t stop him he’s gonna keep bombing, he’s gonna keep slaughtering people, he’s gonna be detaining people.”

Samantala, sa ginaganap na G20 Summit sa St. Petersburg, Russia tinalakay ng mga world leader ang nagaganap na krisis sa Syria.

Bahagya namang nahuli sa pagtitipon si US President Barack Obama na halatang pressured na sa kinahihinatnan ng kanilang isinusulong na resolusyon.

Ayon kay Italian Prime Minister Enrico Letta, magkaka-iba umano ang opinyon ng dalawampung leaders hinggil sa planong limited military action laban sa Syria.

Kasunod nito, inakusahan naman ni US ambassador Samantha Power ang Russia na pinipigilan umano ang security council na magbuo ng mga resolusyon upang maresolba ang krisis sa Syria.

“Even in the wake of the flagrant shattering of the international norm against chemical weapons use, Russia continues to hold the council hostage and shirk its international responsibilities, including as a party to the chemical weapons convention. What we have learned, what the Syrian people have learned, is that the Security Council the world needs to deal with this crisis is not the Security Council we have,” ani Power.

Sa mga bansang dumalo sa G20 Summit, tanging ang Amerika at France lamang ang nagkakasundo na gumamit ng military force laban sa rehimen ni Syrian President Bashar Al-Assad.

Ang China at Russia, patuloy na iginigiit na iligal ang anumang gagawing hakbang kapag walang permiso mula sa United Nations (UN). (James Bontuyan / Ruth Navales, UNTV News)

Pag-iimprenta ng mga balota para sa Barangay Polls, sinimulan na

$
0
0
FILE PHOTO: Ang ballot printing sa National Printing Office para sa 2013 Senatorial Elections (UNTV News)

FILE PHOTO: Ang naging ballot printing sa National Printing Office para sa 2013 Senatorial Elections (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa Barangay Elections sa Oktubre 28.

Ayon kay Commissioner Luie Tito Guia, natapos na ng National Printing Office (NPO) ang printing para sa lahat ng election returns, certificate of canvass, at statement of votes na gagamitin sa manu-manong bilangan.

Noon Miyerkules ng gabi, sinimulan na ang 28-day ballot printing period para sa mahigit 52 milyong balota na kakailanganin sa halalan.

Target ng COMELEC na limang araw bago ang halalan ay maipadala na ang lahat ng election paraphernalia sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang hindi na maulit ang nangyaring delay noong 2010 barangay elections.

“Ngayon sinisigurado ng Steering Committee ng COMELEC na gawing maaga ito at matanggal ang aberya. As of this morning (Friday) mga 1.5M ballots already been printed and siguro by today we will be completed about 2.2 to 2.5M ballots,” ani Guia.

Sinabi naman ni Commissioner Grace Padaca na on going ang kanilang ginagawang pagsala sa mga nagparehistro nitong nakaraang Hulyo bago tuluyang maisapubliko ang final voters list.

“We are looking into the list of the places na pinakamalaki ang percentage ng mga nagparegister, parang yung iba nga eh 5 or 3 times more than expected, so yun ang tinitignan name,” ani Padaca.

Balak naman ng COMELEC na ihuli na lamang ang pagiimprenta sa mahigit 3 milyong balota para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Umaasa ang poll body na maagang makakapagdesisyon ang Kongreso sa panukalang pagpapaliban ng SK polls.

Nauna nang sinabi ng Comelec na sa ikalawang linggo ng Oktubre, posibleng ilabas na nito ang 60-milyong pisong ibabayad sa mga guro na aaktong SK Board of Election Tellers o BET.

Aabot ng P3.4 billion ang target budget ng COMELEC para sa pagdaraos ng halalang pam-barangay at Sangguniang Kabataan. (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)

Miss World-Philippines 2013 2nd Princess Bianca Saldua, hiniling sa mga pageant organizer ang “no swimsuit category”

$
0
0
FILE PHOTO: Ang isa sa Campus Challenge quiz master na si Bianca Saldua na ngayon ay Miss World Philippines 2013 2nd Princess (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Ang isa sa Campus Challenge quiz master na si Bianca Saldua na ngayon ay Miss World-Philippines 2013 2nd Princess (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Hiniling ni Miss World-Philippines 2013 2nd Princess Bianca Saldua sa mga pageant organizer na alisin na ang kategoryang swimwear sa kanilang patimpalak kagandahan.

Matatandaaang si Bianca ang natatanging kandidata sa Miss World Philippines 2013 na hindi sumunod sa 2-piece design sa swimsuit category.

Paliwanag ni Bianca, “I feel that if you’re going to expose it more yung about katawan, more on the sex appeal, you would say na hindi na more on the brains, sana binalik nila sa beauty and brains talaga.”

Malaki naman ang pasasalamat ng magandang Campus Challenge host sa suportang ibinibigay sa kanya ng mga kasangbahay.

“Sa twitter, instagram, napakaraming support ng mga kasangbahay for me. Please continue to support not only me and beauty pageants, but also here in UNTV pag may mga projects kami hindi lang ako, kaming lahat.”

Samantala, iniharap naman sa media ang mga kandidata ng World Supermodel Philippines 2013.

Ang makokoronahang kandidata sa September 8, 2013 sa the Amazing Theater, Pasay City ay ilalaban sa World Supermodel 2013 sa Queensland, Australia sa Nobyembre. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all 18481 articles
Browse latest View live