![Ang tinanghal na Song of the Year para sa A Song of Praise Music Festival Year 2, ang awiting nilikha Boy Christopher Jr. at binigyang buhay ni Jonalyn Viray, ang 'Ikaw'. (MARLON BONJOS / Photoville International)]()
Ang tinanghal na Song of the Year para sa A Song of Praise Music Festival Year 2, ang awiting nilikha Boy Christopher Jr. at binigyang buhay ni Jonalyn Viray, ang ‘Ikaw’. (MARLON BONAJOS / Photoville International)
MANILA, Philippines — Nakakuha ng 89.40% ang awiting “Ikaw” sa ginanap na grand finals night ng A Song of Praise (ASOP) Music Festival 2013 sa Smart Araneta, Lunes.
Humanga ang mga hurado sa komposisyon ni Boy Christopher Ramos Jr. na inawit ng Pinoy Pop Superstar Grand Champion na si Jonalyn Viray.
Tumayong hurado sina Joey De Leon, Kathleen Dy-Go, Annabelle Regalado-Borja, Audie Gemora, Dr. Raul Sunico Ph.D., Mon Del Rosario at Snaffu Rigor.
![(Left-Right) Beteranong aktor at OPM artist Joey de Leon; Universal Records General Manager Kathleen Dy-Go, Composer/Singer/Actress Annabelle Borja, Theater actor / Singer & Composer Audie Gemora, OPM Hitmaker / Composer Mon Del Rosario; Cultural Center of the Philippines President, UST Dean & Professor in Music and Statistics at the Conservatory of Music / International pianist Dr. Raul Sunico, Ph.D.; Veteran OPM Artist & Composer Snaffu Rigor (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)]()
(Left-Right) Veteran actor & OPM artist Joey de Leon; Universal Records General Manager Kathleen Dy-Go; Composer/Singer/Actress Annabelle Borja; Theater actor / singer & composer Audie Gemora; OPM Hitmaker / Composer Mon Del Rosario; Cultural Center of the Philippines President, UST Dean & Professor in Music and Statistics at the Conservatory of Music / International pianist Dr. Raul Sunico, Ph.D.; Veteran OPM Artist & Composer Snaffu Rigor (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)
Lubos ang kaligayahan ng kompositor na si Boy Christopher nang tanghaling song of the year ang kanyang likhang awit at maiuwi ang P500,000 grand price.
“Masayang masaya po, ito ay inihahandog ko higit sa lahat sa Dios, maraming maraming salamat sa ating Panginoon kasi talaga namang para sa Kanya yung ginawa ko.”
Pahayag naman ni Jonalyn, “sobrang nakakarelate kasi pag may pagkakataon na may problema tayo na down tayo maraming negative na bagay na dumarating satin Sya yung nagga-guide satin sa lahat ng negative, Siya yung positive.”
![(Left to Right) Ang mga runners up sa ASOP Year 2. Sina composer RJ Jimenez at interpreter Miro Valera para sa 'I Am Grateful', 1st Runner Up; interpreter Gerald Santos at composer Christian Obar para sa 'Lagi Kang Nariyan', 2nd Runner Up; at para sa awiting 'You'll See Miracles' ang interpreter na si Carl Trazo at composer Paul Hildawa, 3rd Runner Up. (REY VERCIDE / Photoville International)]()
(Left to Right) Ang mga runners up sa ASOP Year 2. Sina composer RJ Jimenez at interpreter Miro Valera para sa ‘I Am Grateful’, 1st Runner Up; interpreter Gerald Santos at composer Christian Obar para sa ‘Lagi Kang Nariyan’, 2nd Runner Up; at para sa awiting ‘You’ll See Miracles’ ang interpreter na si Carl Trazo at composer Paul Hildawa, 3rd Runner Up. (REY VERCIDE / Photoville International)
Nakuha naman ng awiting “I Am Grateful” na komposisyon ni RJ Jimenez at inawit ni Miro Valera ang 1st runner up at ang P250,000 cash price.
Nagwagi naman ng P150,000 cash at tinanghal na 2nd runner up ang awiting “Lagi Kang Nariyan” na komposisyon ni Christian Obar at inawit naman ng Pinoy Pop Superstar Grand Champion noong 2006 na si Gerald Santos.
Nasungkit rin ng awiting “You’ll See Miracles” ang 3rd runner up na inawit ni Carl Trazo sa komposisyon ni Paul Hildawa kasama ang cash prize na P100,000.
Sa huli, tinanghal na best interpreter si Jonalyn Viray na nag-uwi ng P50,000.
![A Song of Praise Music Festival 2013 Best Interpreter Jonnalyn Viray. (ROVIC BALUNSAY / Photoville International)]()
A Song of Praise Music Festival 2013 Best Interpreter Jonalyn Viray. (ROVIC BALUNSAY / Photoville International)
Bago matapos ang gabi, muling pinabilib ng ASOP 2012 grand finalists ang mga manonood.
Ang ASOP ay pinasimulan ni Bro. Eli Soriano (Presiding Minister ng MCGI) at ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon upang mahikayat ang mga amateur at professional song writers na lumikha ng magagandang papuring awit sa Dios.
“Kung mayroong masaya ngayong gabi alam ko ang Dios masaya ngayon,” ani Bro. Eli.
Isang magandang balita naman ang inanunsyo ni Kuya Daniel dahil sa mga susunod na taon ay sisimulan na ang A Song of Praise Music Festival International.
“We will be coming up with the international nang ASOP Music Festival ang kailangan namin dito na mabuo na ang mechanics dahil ang mangyayari dito out of sa mga nag-compete dito sa ‘tin we will come up with the representative na syang magrerepresent ng Pilipinas na lalaban naman sa ibang countries na magpapasok ng kanilang mga entry, so there will be ASOP na gagawin natin sa abroad at iba’t ibang countries,” pahayag ni Mr. Public Service.
Ang 2013 ASOP songs ay maaaring i-download ng libre sa www.asoptv.com. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)
![Si Bro. Eli Soriano (nasa LED wall) sa kanyang pagsasalaysay kung paano nagpasimula ang patimpalak na ito ng mga papuring awit para sa Dios. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)]()
Si Bro. Eli Soriano (nasa LED wall) sa kanyang pagsasalaysay kung paano nagpasimula ang patimpalak na ito ng mga papuring awit para sa Dios, ang A Song of Praise Music Festival. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)